"just wear a simple one" tumango ako kay sir, 6 pm na at andito na kami sa condo para magpalit dahil pupunta na kami sa bahay nila.
"sir tapos na ako" nauna na akong bumaba, hinintay ko nalang siyang matapos. Nakasuot lang siya ng short at busangot pa ang mukha na naglalakad papunta sa akin.
Nauna na siya kaya pinatay ko muna ang mga ilaw saka sumunod sa kaniya, medyo malayo ang bahay nila kaya naman nakatulog pa ako. Nagising nalang ako ng maramdaman ko itong huminto at nakita ko siyang nakadungaw lang sa bahay nila habang nandito sa sasakyan.
Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko silang lahat na magkakasama kaya kinakabahan din ako, lumabas na siya saka ako pinagbuksan ng pinto. Sumunod ako sa kaniya na naglakad, nagbow pa ang ibang tagabantay doon. Naririnig ko ang mga tawanan sa may bandang likod ng bahay nila kaya doon kami dumeretso.
Naabutan namin ang iilang mga bata na naglalaro at mga matatanda na nandoon sa mesa at nakaharal sa nga pagkain, mukhang nagsimula na. Tumayo ang isang ginang saka ginawaran ng halik sa pisngi si Cormac, nagmano naman siya sa iba. Bigla akong nanliit sa sarili ko kaya naman nang busy sila kay Cormac ay umti unti akong naglakad at bumalik sa sala.
Lalabas na sana ako nang may humila sa damit ko, napalingon ako at isang batang babae na cute na cute sa dress niyang red aat may malaki pang ribbon sa ulo niya parang ang sarap niyang ibulsa.
"bakit?" nakangiti kong sabi, ngumiti siya sa akin saka may tinuro sinundan ko ang tinutiro niya at nakita ko ang cupcake doon sa mesa.
Inangat niya ang kamay niya kaya binuhat ko siya at dinala sa may mga cupcakes, pinaupo ko siya sa mesa at pinakain.
"ate inom" kumuha ako ng tubig at dahan dahang pinainom siya.
"who are you?" halos mabitawan ko ang baso na hawak ko nang may magsalita sa likod ko, isang matanda may tungkod na at may kasama siuang isang maid. Agad akong nagbaba ng tingin, lolo ata nila Cormac ito.
"ate down" binaba ko ang bata tumakbo siya saka yimakap sa binti ng matanda at ako ay nakayuko lang doon.
"a-ako po ang assistant ni Sir Cormac po" sabi ko hindi ko siya tinitignan nahihiya ako sino ba naman ako dito, aalis na sana ako at maghihintay sa kotse nang bigla siyang magsalita.
"eat with me i have no one to join me" naestatwa ako doon pero unti unti ding tumango, nginitian ko ang kasama niya. Wala na ang bata siguro bumalik na sa likod para makipaglaro sa iba.
Tinulungan ko ang nurse niya na maghanda ng pagkain at halos malula ako sa dami ng inihanda niya.
"eat now" agad akong napahawak sa kutsara at tinidor at nagsimulang kumain, biglang tumawa ang matanda kaya napatingin ako sa kaniya hanggang sa ngumiti siya sa akin.
"magaling pumili ang apo ko"
Ha?
"i like you hija, you look naive but has a good personality" pabulong niya pang sabi na parang may makakarinig sa amin.
"t-thank you po" nahihiya kong sabi sa kaniya.
"anyway, you're the only one who joined me here" parang nag iba ang boses niya, parang bigla siyang nalungkot kaya naman naglakas loob akong magtanong.
"a-ah gusto niyo po bang lumabas po muna para magpahangin sasamahan ko po kayo" nakangiting sabi ko, binaba niya ang kubyertos ang ngumiti saka tumango inalalayan ko siyang tumayo.
"Ac diyan lang kami sa labas" sabi niya sa nurse niya kaya tumango ito, lumabas kami ng bahay malawak ang hardin nila may fountain pa nga at nagkalat pa ng mga guards.