7

281 6 0
                                    



"Lumayo ka nga sa akin sir" sabay tulak ko sa kaniya at iika ika na naglalakad para makarating na sa bahay. Kanina ko pa iniisip ang nangyari kanina sa aming dalawa.

"i want you to be near" sabay ngiti niya, napabuntong hininga ako. Nalulungkot ako dahil siya ang nakauna sa akin, hindi naman sa ano pero kinakabahan ako dahil parang mabubuntis agad ako.

Parang ang tingin niya sa akin ay mababa lamang na babae kaya naman lumayo layo muna ako sa kaniya para hindi na maulit iyon. Umakyat ako sa bundok saka ko nakita ang bahay namin na kapantay ko na, malayo pa pero kitang kita ko na.


"nay! Tay!" tumakbo ako at napangiwi agad nang maramdaman ko ang hapdi sa gitna ko.


"anak ko!" binaba ni nanay ang bitbit niya saka tumakbo papunta sa akin at niyakap ako, halos maiyak ako dahil sa miss ko na sila. Niyakap rin ako ni tatay, nagkamustahan kami.

"anak jusko ang taba taba mo na! Namiss kita anak!" halos maiyak ang nanay ko sa sobrang pagkamiss sa akin lalo na si tatay.

"anak may bisita ka?" napatingin ako kay tatay nang sabihin niya iyon, nakalimutan ko!

Tumakbo ako papunta kay Cormac na ngayon ay hinihingal padin dahil sa pag akyat, hinila ko siya papunta sa harap nila nanay at tatay.

"nobyo mo anak?!" sigaw agad ni tatay kaya napahakbang palikod si Cormac dahil sa gulat, pinakalma naman agad siya ni nanay.

"hindi po tay! Sya po ang boss ko sa Maynila, sya po yung nagpapadala ng mga sweldo ko po sa inyo" medyo nahimasmasan na si tatay ngumiti naman siya kay Cormac at halos ngumiwi si Cormac dahil parin sa gulat kanina.

"ahh boss mo pala ah eh bakit sumama?"

"tay!" saway ko kay tatay mang aaway nanaman yan eh, kinausap naman agad siya ni nanay saka siya tumango.

"halla sige tara na sa loob at nang makapagpahinga kayo ng boss mo"

Naglakad na sila papunta sa bahay, naiwan kami ni Cormac dito sa labas saka ko siya hinarap.

"sir sinasabi ko po sa inyo ayaw ni tatay na nagdadala ako ng lalake dahil iniisip niya na nobyo ko po" ngumisi lang siya sa akin kaya parang ako pa ying nastress ang hirap rin niyang pakiusapan minsan.


Pumasok kami sa loob agad na umupo si Cormac sa upuan namin na gawa sa kawayan, binaba niya ang gamit niya saka nagtingin tingin sa paligid, wala syang sinasabi pero alam kong manghang mangha sya. Makikita mo kasi dito ang lahat, kabundukan at mga halaman. Puro mga puno na nagsisilbing berde sa mga bundok.

Mahangin din dito, napangiti ako namiss ko talaga ang umuwi dito. Ang magkape dito sa umaga habang papasikat ang araw.

"sir inom po muna kayo ng tubig sir" nilapag ni nanay ang tubig pero agad akong umiling dahil hindi iyon mineral, ang problema ko ngayon wala pala syang nadalang tubig!


"sir hindi ka nagdala ng tubig niyo" sabi ko sa kaniya, napatingin siya sa amin.

"i can drink any water ahh iinom ako kahit ano pang tubig yan" sabi niya saka ngumiti, ang inosente niya ah.

Kinuha niya ang nilapag ni nanay sa mesa saka ininom, ramdam ko na ayaw niya iyon hindi niya lang pinapahalata.

"s-salamat po" ngumiti si nanay pero si tatay parang gusto niyang kausapin si Cormac pero nagpipigil siya.

"dito tayo matutulog mamayang gabi, sa loob ang mag ina ko" pinandilatan ko si tatay pero nginitian niya lang ako.

Bumalik sila nanay sa ginagawa kanin ahabang ako ay kasama ko siyang naglalakad dito sa gilid ng bahay, nasa taas ng bundok ang bahay namin kaya naman kitang kota talaga ang lawak at mga bundok dito. Mahangin rin at papalubog na ang araw, ito ang gustong gusto kong parte ng araw.


Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon