"uwi na tayo sir baka magabihan tayo sa daan" aya ko sa kaniya nang mapagod kaming lumangoy, pinipiga ko na ang buhok ko para mabawasan ang tubig niya.
"yeah, and it looks like its going to rain" inayos ko na ang mga gamit namin habang ang aso namin ay nakaupo lang at nakatingin sa akin.
Sya na ang nagbuhat ng gamit namin at buhay ko naman ang aso, nauna na siyang maglakad dahil alam na niya daw ang daan na papunta sa bahay. Nilaro ko lang ang aso habang naglalakad kami, buti nalang ay malapit na kami sa bahay ng bumuhos ang malakas na ulan.
Tumakbo kami papunta sa loob, binaba ko ang aso. Agad niyang hinubad ang damit niya dahil basa na ito, medyo naman sa akin.
"remove your clothes magkakasakit ka niyan" tumango ako sa sinabi niya pumunta ako sa taas doon na ako nagtanggal ng damit ko. Wala na akong saplot hindi naman siguro sya papasok dito no?
Kumukuha pa ako ng damit ko nang bigla siyang pumasok agad kong hinila ang kumot at tinakip sa sarili ko. Bumaba ang mata ko sa katawan niya at namula, nakaboxer lang kasi siya naglakad na siya at biglang nahiga doon habang ako ay naghahanap parin ng damit.
Magsusuot na sana ako ng damit ko nang bigla niya akong hinila at napahiga ako sa tabi niya. Pinasok niya ang katawan niya sa kumot kaya naman iisang kumot ang gamit namin nakaunan ako sa braso niya.
"s-sir magdadamit pa ako sir" sabi ko sa kaniya, tatayo na sana ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.
"body heat. Mas maganda ang ganito" nagpumiglas pa ako pero talagang hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"ganito nalang tayo, hindi nanaman kita makakatabi pagbalik natin sa Manila" nakangusong sabi niya, pinaharap niya ako sa kaniya at sinubsob sa dibdib niya ang bango niya.
"basta ba wala nang mangyayari sir" sabi ko sa kaniya bumuntong hininga sya saka tumango nalang.
Hindi na ako nagpumiglas, tinignan ko ang hone niya saka inopen para tignn ang oras. Mag aalas siyete na may mga natira paa naman na pagkain kanina kaya yun nalang ng ipapainit ko, nakita ko rin si Maco na nakahiga sa may paa namin.
Maco nalang ang pangalan kawawa naman si Cormac kung ipapangalan ko siya sa aso artista pa naman yun.
"sir bitaw ipapainit ko pa iyong pagkain natin para sa panghapunan" bintawan niya agad ako, kinuha ko ang damit ko saka sinuot na agad habang nakatalikod palang siya sakin.
Nagising si Maco at bumaba saka sinundan ako, wala nang ulan pero yung hangin meron pa kaya malamig nanaman ang gabi neto. Pinainit ko yung pagkain namin habang nagkakape.
"sir gising naluto na sir" sabay hila ko sa paa ni sir, sarap na kasi ng tulog niya eh magsasalita na sana ulit ako nang may kumatok.
Sino naman kaya ang kakatok ng ganitong oras na? Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin si Anton agad na nanlaki ang mga mata ko nakabalik na siya!
"Anton!" agad ko siyang niyakap natawa naman siya sa ginawa ko at niyakap din ako.
"nakabalik ka na pala? Kailan pa?" tanong ko nang humiwalay ako sa kaniya.
"kanina lang, kaya naisip kong punatahan ka nakita ko rin kasi sila tito at tita at sinabing hindi daw muna sila uuwi dito" pinapasok ko siya sa bahay, tinemplahan ko pa ng kape saka ko nilapag sa harapan niya at umupo.
"ano? Kamusta sa ibang bansa?" excited kong tanong, halos tatlong taon ata kaming hindi nagkita.
"masaya naman, sabi ko kasi sayo isasama kita doon eh" umiling ako sa sinabi niya, totoo yun dahil kinukuha rin ako ng mga magulang niya para mag aral doon pero tinanggihan ko muna.