12 (WARNING)

259 8 0
                                    



"mag iingat ka doon anak ha?" niyakap ko si nanay nang andito na ako sa bayan.

"oo naman nay, tatawag po ako nay"

"sige na at ako nang bahala sa tatay mo nirarayuma kasi eh" natawa ako, hindi ako naipasakay ni tatay dahil nirayuma siya bigla. Sumakay na ako sa bus para makarating sa City sa amin.

Mahaba habang byahe nanaman kaya nakatulugan ko iyon, hanggang ngayon hindi ko padin nirereplayan si Cormac. Pauwi naman na ako eh kaya magkikita nalang kami doon, nagtext narin ang manager niya sa akin kung ano ang pupuntahan niya bukas.

Nakarating ako sa Manila nagpasundo ako kay ate Lexie hanggang sa makarating kami sa apartment.

"sya nga pala, noong nakaraang araw pa may naghahanap sayo dito. Yung artista" humarap ako kay ate Lexie siya lang naman ang nandito so baka pumasok sa trabaho ang iba.

"siya nga papa, binayaran niya yung maldita na landlady dito. Hindi ka nagsasabi lilipat ka na pala" napayuko ako sa sinabi niya, aaminin kong naging malapit din ako sa kanila.

"oh okay lang yun magkikita pa naman tayo, balik ka dito sa susunod na linggo birthday ko" ngumiti ako saka tumango bubuksan ko na sana ang kwarto ko nang magsalita nanaman siya.

"kinuha narin pala ang gamit mo, as in lahat Sky"

"ha? Ano ba naman yan" sabi ko kaya natawa siya at hinawakan ang kamay ko.

"sige na, tumawag ka sa akin kung may problema at nang masundo na kita doon. Ako na bahala magsabi sa mga kasama namin"

Tumango ako saka kumaway na, tinulungan niya akong kumuha ng taxi at pumunta na sa condo ni Cormac. Kilala na ako ng guard kaya nnaman nakapasok na ako agad, pati sa babae na nasa baba kaya tumaas nalang ako agad dala ang gamit ko.

Nasa akin nadin ang isang susi para sa condo niya, binuksan ko iyon at bumungad sakin ang amoy niya. Mukhang kakaalis niya lang ah, agad akong nagtungo sa isang kwarto at nakita ko doon ang mga gamit ko.

Naisipan ko munang magpahinga saglit bago ako mag ayos, agad akong nakatulog sa kama nagising nalang ako nang parang may naramdaman akong dumadagan sa tiyan ko. Agad akong napamulat at nakita si Maco na nakahiga doon saka ko nakita na katabi niya si Cormac na natutulog din.

Napabuntong hininga ako at agad inayos silang dalawa, nagising agad ang aso kaya sumama siya sa akin papunta sa baba para magluto. Doon pa talaga siya natulog eh may sarili naman siyang kwarto, umupo muna ako at nanood ng TV.

"bakit hindi ka nagsabi na ngayon ang dating mo?" napatalon ako sa gulat nang magsalita siya gulo gulo pa ang buhok niya at mukha siyang pagod, ano bang nangyari nung mga araw na hindi ko siya kasama?

"okay ka lang ba? Mukha kang kinulang nanaman sa tulog" napaupo siya sa tabi ko saka tumingala.

"nag inuman kami kagabi nila Devor at Eidan" si Eidan yun yung lalaki noon na kumuha ng kotse at si Devor naman yung nakahelicopter, ang yayaman naman pala ng mga kaibigan niya.

"may dahilan ba?" tanong ko nalang napatingin siya sa akin, inalis niya si Maco sa kandungan ko at siya ang humiga doon.

Nakashort lang ako ng maikli kaya naman biglang umangat ito nakapikit na siya, nakabukas din ang tatlong butones sa suot niya kaya kita ko ang dibdib niya.

"saan ka ba galing sir?"


"practice para sa concert" oo nga pala, may concert pala siya sa nga susunod na buwan dito palang naman sa pilipinas iyon pero syempre nakakapagod din.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon