19

158 6 0
                                    



"Lexie paabot nga nung tissue" bulong ng katabi ko. Nandito na kami ngayon sa restaurant at ang yaman talaga.

Kaya naman hindi makapag ingay ang mga kasama ko dito dahil puro mahinhin ang nakapalibot sa amin.

"gusto kong magvideoke" bulong sakin ni Elza, nasa magdulo ang mga matatanda kaya naman kaming mga bata ay nandito lang sa isang pwesto.

"hey Faith come here" agad akong lumapit kay Cormac nang tawagin niya ako hindi kasi kami magkatabi dahil hinila agad ako nila Ate Shiela kanina.

"sit here" tinapik niya ang upuan na bakante sa tabi niya, lumingon ako sa paligid at busy silang makipagchismisan wala pa kasi yung order namin.

Pagkaupo ko ay pinatong niya agad sa backrest ng upuan ko ang kamay niya at humarap sa akin.

"did you wear one?" kumunot ang noo ko sa tanong niya saka siya tinitigan ngumisi lang siya sa akin, nang makita niyang hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin ay tinignan niya ang bandang hita ko.

Agad ko itong hinawakan at saka siya hinampas tumawa naman siya habang ako ay namumula na dito dahil sa hiya. Dumating ang order namin na seafoods, at halos maglaway kaming lahat.

Isa isa na kaming kumuha ng kakainin namin at halos manahimik kami dahil sa ninanamnam namin ito. Natawa pa ako dahil ang iba ay gustong magtaas ng paa pero pinigilan agad sila ni Ate Lexie, paano ba naman eh nakadress kaming lahat.

"we will attend a club later" biglaang sabi ni Cormac kaya napatingin kami sa kaniya.

"talaga? Tara na!" excited nilang sabi at nagkwentuhan na sila sa mga gusto nilang gawin. Hinapit ni Cormac ang bewang ko ang lalong pinalapit sa kaniyang tabi.

"sa tabi lang kita mamaya"

"sir! Madaming tao doon, may makakakita sa atin" irap ko sa kaniya natawa naman siya at tumuloy sa pagkain. Halos dalawang oras kaming kumain at nang matapos ay kanya kanya kaming sakay sa mga service namin.

Sumama ako kay Cormac at yung iba ay may sarili ding sasakyan papunta doon. Nalagpasan namin ang mga taong nagsasayaw lang sa gilid na parang walang problema.

"you want to join that one?" agad akong napalingon sa kaniya, ngayon lang ako makakaranas ng ganyan gusto ko din! Masaya akong tumango sa kaniya hinawakan niya ang hita ko at pinark niya sa gilid.

Lumabas ako pero agad nabahala dahil baka may makakita sa amin kaya pumasok ulit ako, tinatanggal niya palang ang seatbelt niya.

"why?"

"madaming tao baka may makakita sa atin" sabi ko sa kaniya, ginala niya ang mga mata niya at iyon nga ay nakarinig kami ng nagsasalita ng tagalog agad siyang napabuntong hininga.

Gusto ko pa namang matry iyon sayang nga lang at hindi pwede sa kaniya.

"im sorry, we can try it soon" tumango nalang ako at tumingin sa labas habang papalayo kami. Pagdating namin sa parking lot ng club ay andoon na silang lahat sa labas hinihintay kami.

"tara na!" hinila na agad ako ni Ate Lexie skaa may dumating na dalawng magarang sasakyan at doon ay lumabas ang dalawang kaibigan ni Cormac na nakasuit pa mukhang kagagaling sa meeting.

Nauna na kami sa loob at masasabi ko ngang club nga dahil maingay madaming nag iinom at madaming sumasayaw. Kinusap ni Cormac ang isang staff at tinuro niya ang table namin.

Isang malaking round table na talagang kakasya kami, pinagitnaan nila ako kaya naman nakita kong napatingin sakin si Cormac. Umiwas ako ng tingin parang masama ang loob ko kanina dahil yung gusto kong gawin ay hindi ko nagawa.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon