20

151 5 1
                                    

"sir! Ito daw yung damit mo!" habol ko sa kaniya nang papasok na siya sa dressing room, nasa tagaytay kami ngayon para sa first shoot ng movie nila.

"thank you, hintayin mo ako sa labas" tumango ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa labas,madaming tao dito na naghahanda para sa shoot.

Dito kasi magaganap yung unang pagkikita nila, hindi ko alam ang eksaktong detalye. Maganda dito, mas maganda noong last na pumunta kami dito.

"huy! Asa na si sir?" tanong sa akin ni Elza may hawak syang folder. Buti nalang kasama ko siya dito baka mamaya eh para na akong mag isa msyado dito.

"nagpapalit na sya bakit hinahanap na ba?" tumango naman siya sa akin, lumabas na din si Miss Valentina sa tent niya, namangha ako sa ganda niya. Ang tangkad niya at ang puti pa nakakapangliit kumpara sa akin na basta.

"malapit nang lumabas iyon" pagkasabi ko nun ay saktong lumabas nadin si Cormac sa tent niya, gumilid na ako para hindi niya ako makita, parang nawalan ako ng gana kanina ng makita ko si Miss Valentina.

"huy! Magpakita ka doon baka mamaya hanapin ka nanaman!"

"tahimik Elza nagtatago na nga ako dito eh" saka pa ako pumunta sa likod niya, oo nga at nagsimula na siyang maghanap sa paligid niya.

Hanggang sa lumapit na si Mama Mia sa kaniya at hinila na siya para masimulan ang shoot. Hinahabol kasi namin dito ang sunset para maganda ang scene.

Nanonood lang kami sa gilid ng pumwesto na sila, nasa loob ng kotse si Cormac. Nakasilip lang ako dito malayo sa kaniya nang biglag tumunog ang cellphone ko.

"nay?"

'anak! Buti natawagan kita ano kasi..may binebenta dito na lupa malapit dito sa amin na pwedeng pagtaniman'

"talaga nay? Magkano daw po? Sandali at magpapadala po ako"

'tatawag ulit ako mamaya anak! Tatawad pa ako para mas makamura'

Nagkwentuhan pa kami doon at hindi ko namalayan ang oras, tapos na pala ang isang scene. Halos takbuhin ko na pabalik sa set dahil baka hinahanap ako ni Cormac saktong ilalabas ko na ang tubig niya pero napatigil ako nang makitang si Valentina ang nagbigay ng tubig sa kaniya, napaatras ako nang may maramdaman akong kirot sa dibdib ko.

Agad akong napahakbang palikod at tinago ang tubig na hawak ko. Naglakad muna ako palayo doon, nakakita ako ng duyan at umupo muna ako.

Tanaw ko sila dito pero hindi siya tumitingin sa banda ko, ni feeling ko hindi niya ako hinahanap kanina. Ininom ko nalang ang tubig na dala ko.

"bakit ka mag isa dito?" nagulat ako nang meron si Elsa sa gilid ko may iniinom pang juice ata, hawak niya ang susi siguro may pinuntahan ito.

"wala lang, hayaan mo na siya doon dito na muna ako"

"samahan na kita wala rin naman akong gagawin eh" umupo siya sa tabi ko saka tumingin sa sa kanila.

"alam mo kasi yang mga iyan maalaga sa mga artist nila, lalo na yang mga alagad ni direct kaya huwag kang mag alala inaalagaan niya talaga si Cormac"

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, mukha nga eh pero parang iba.

"si Miss Valentina ang nagaalaga" napatingin siya sa akin saka tumingin ulit sa dalawa.

"oo nga no? Hayaan mo na! Kaloka ka,pusta ko hahanapin ka niyan mamaya"

"Elsa alam mo magdrive diba?" tumango siya sa tanong ko.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon