"tigilan niyo nga ako, anong nangyari kagabi sa inyo?" tanong ko sa kanila.
"nakaya naman naming pumasok sa loob kaso nga lang nakatulog ang iba sa labas" tawanan nanaman sila.
"asan nga pala sila?"
"may pinuntahan lang daw saglit, sila lolo naman ay umalis mamamasyal daw dito sa hawaii kayo tayo lang ang naiwan dito"
"gala din tayo mamaya, pagkatapos nating maligo" sumang ayon naman ang lahat, saan naman kami gagala?
Pagkatapos naming magkape ay nagsiligo na kami, wala padin yung mga ibang kasama namin. Kumuha kami ng isang staff na sasama sa amin para hindi kami mawala.
Nakarating kami sa mga stall dito, malawak ang beach na ito. Private part lang ata yung part namin kaya walang masyadong tao.
"ma'am if you want to get a tattoo here it is ma'am" nagsiunahan nanaman silang umupo doon para mag patattoo yung iba ay nagpipili na.
"oh my god Sky! Eto oh para sayo" tinuro sakin ni Elsa ang isang maliit na tattoo pero maganda siya, gusto ko ding maranasan ang magkatattoo kaya tumango ako.
Pila pila kami doon, nang ako na ay halos lahat sila ay nakatingin sa akinn. Ngayon lang kasi ako magpapatattoo, tinuro ko kung saan at sa may bandang balikat ko ito. Babae ang gumagawa kaya panatag ako,nang matapos naman ay nagtinginan kami ng mga tattoo namin.
Pumasok kami sa store pero napanguso ako wala pa akong dalang pera, nagtingin tingin lang ako doon ng magandang damit kahit wala naman akong pera nang biglang kalabitin ako ni Elsa at nilahad ang isang black card familiar sa akin ah.
"bakit yan?"
"binigay ni boss mo kanina, bago sila umalis gamitin mo daw ito pambili ng gusto mo" kinuha ko iyon agad pero hindi ko inisip na bibili.
Kaso nga lang may gusto akong sandal, tinignan ko ang price niya. May filipino price kasi ito kaya naman ng makita kong 10,000 halos lumuwa ang mata ko at dali dali itong binalik pero bago ko pa maibalik meron na si Ate Lexie sa likod ko at kinuha ang sandal.
"dali! Isuut mo" pinaupo niya ako doon maganda yung heel pero hindi naman ako gumagamit ng ganoon.
Si Ate Lexie ang nagsukat sa akin at kasya nga kaso nga lang ang mahal, hinila niya ako at pumunta sa may mga dress. Ang gaganda nila pero pusta ko mahal ang mga ito, may napili sila para sa akin isang kulay white na dress na sleeveless tinulak tulak nila ako papuntaa sa dressing room.
Tinitignan ko pa ito kung isusuot ko ba o hindi, wala naman masama kung susubukan ko. Ngayon lang ako magsusuot ng ganito kadalasan kasi hindi kita ang braso ko eh.
Sakto sa akin ang damit, kita ang hubog ng katawan ko. Sakto lang hanggang tuhod ang haba nito. Sinuot ko ang sandal na napili namin kanina at halos malula ako sa taas, tinignan ko ang sarili ko sa salamin saka nilugay ang buhok ko.
Unti unti akong lumabas at andoon sila nagpipili padin ng gamit si Elsa ang unang nakakita sa akin at maarte niyang tinakpan ang bibig niya sa gulat napatingin na silang lahat sa akin, yung iba ay nakasuot din ng dress nagsusukat.
"miss kunin na namin to!"
"pati ang heels miss!" kinuha ko ang phone ko saka pumunta sa harap ng salamin, nagpicture ako doon saka sinend kay Cormac ng nakangiti.
Napagtanto ko bakit ko sinend! Tatanggalin ko sana pero nakita na niya halos sumabog ako sa kaba ko nang makitang nagtatype na siya.
'you look beautiful'