Hay, Ford!
Oh, alam mo na. May kukuhain ulit ako. Bet ko 'yong cell phone na binigay sa 'yo ng isa sa mga may gusto sa 'yo. Ang hanep naman kasi, eh. Nagka-crush lang sa 'yo 'yong si Sidney tapos niregaluhan ka na ng bagong cell phone. Sana all na lang talaga.
'Di joke lang. Kung may magreregalo rin naman sa akin baka 'di ko rin tanggapin. Hindi ko ugali ang basta-basta na lang tumanggap ng regalo sa kung kani-kanino. Alam ko na choice naman nila 'yon, pero hindi ako komportable na tumanggap ng mga bagay sa ibang tao lalo na't 'di ko kaano-ano.
Anyways, change topic tayo. Tutal hindi mo naman binabasa 'to, dadaldal na ako. Hindi ako makadaldal sa section natin kasi hindi ako komportable sa karamihan sa mga kaklase natin. Karamihan sa kanila hindi ko ka-vibes.
Alam mo ba na may hinimitay kanina sa section natin? Ako, alam ko. Ako 'yon, eh. Nakakahiyang pangyayari 'yon. Nakakainis!
Wala naman kasi akong sakit, eh. Alam mo ba kung bakit ako nahimatay? Siyempre hindi. Bakit ba kita tinatanong?
Ganito kasi 'yan.
Naisip ko na what if subukan kong manguha ng gamit ng iba. Hindi sila kagaya mo na hindi ko alam kung walang pakialam sa mga gamit niya, pinagbibigyan lang ako, o walang kamalay-malay sa mga ginawa ko kahit na may letter na ako. Anyways, iyon na nga. Naisip kong subukan and so I did.
Sinubukan ko, pero putek na 'yan! Nandoon na ako sa bag ni Justin, eh. Walang tao noon. Safe na safe ako. Kailangan ko na lang igalaw ang mga kamay ko at kumuha ng gamit na mgagamit ko. May letter nga rin ako sa kaniya, eh. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, Ford. Nagtatangka pa lang ako, pero halos hindi na ako makahinga. Hindi rin ako makagalaw. Hindi ko maikilos ang katawan ko para gawin 'yong binabalak ko. I don't know why.
Pinilit ko talaga ang sarili ko, Ford, kasi kailangang kailangan ko 'yong pera, eh. Sinugod ulit sa ospital si tatay at kailangang operahan. Wala kaming pambayad kaya kailangan kong kumayod. Pinilit ko ang sarili kong kumilos kumuha ng gamit kay Justin, but I can't. Kahit na anong pilit ko sa katawan ko, ayaw talaga. Pinilit ko nang pinilit ang sarili ko hanggang sa hindi na ako makahinga.
It felt like the room is becoming smaller. Para ulit akong makukulong. Feeling ko maraming nakatingin sa akin. Nagka-panic attack yata ako kaya ako nahimatay.
Nakakainis na nahimatay ako sa ganoong bagay lang, pero ang mas nakakainis, kumalat na may crush daw ako kay Justin kasi nahimatay ako malapit sa puwesto niya. Iniintriga ako ng mga tsismosa nating kaklase kung ano raw ang ginagawa ko roon. Sinabi ko na lang na naglalakad lang ako nang bigla akong hinimatay roon. Kahit ano namang sabihin ko, papaniwalaan pa rin nila ang gusto nilang paniwalaan, eh.
Si Justin naman nagkibit-balikat lang. Mabuti na lang at hindi niya 'yon ginawang big deal. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati siya nang-asar na rin. Isa pa naman din siya sa mga sikat sa university.
Hopefully, humupa na ang issue or ship nila. Ang dami nilang alam. May crush ako pero ikaw 'yon at 'di si Justin. Guwapo 'yon pero 'di ko type. At kahit na crush kita, wala akong balak mag-boy friend. Ang dami kong responsibilidad para isingit pa 'yan, 'no.
Ikaw, Ford, may balak ka bang mag-girl friend?
Your thief,
Lara Alexa
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Short StoryOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford