Hay, Ford!
Parang kung ako ang makakakita ng sarili kong letter mapapangiwi na lang ako.
Okay. Ilang linggo ulit ang lumipas pero hindi mo ako kinokompronta kaya ina-assume ko na hindi mo naman 'to binabasa. Dahil diyan, gagawin na kitang living diary. Hahaha! Hindi mo naman 'to binabasa so safe pa rin sa akin ang mga sasabihin ko. Baka nga tinatapon mo lang ang mga liham ko.
Okay lang naman. Hindi mo naman yata ako kilala, eh. Hindi nga tayo nag-uusap sa klase. Hindi pa tayo nagiging magkagrupo o magka-partner. So maiintindihan ko kung iniisip mong walang kuwentang letter lang 'to ng kung sino-sino. Okay lang pero siyempre masakit pa rin. Crush kaya kita. Oops! Nadulas. Kaloka naman 'tong panulat ko. Pati 'tong kamay ko paladesisyon. Hay! Bahala na. Gusto kong mabasa mo 'to pero at the same time ayaw ko rin. Ang gulo ko 'no?
Iyan na, nasabi ko nang crush kita. Siguro naman makaka-move on na ako. Pero siyempre hindi matatapos ang liham na 'to nang wala akong kinukuha. Relo ulit, Ford. Mukhang bago pa naman 'to.
Bakit ka naman kasi nag-iiwan ng mga gamit sa bag mo? Alam mo bang hindi dapat ganoon? Kahit na mayaman ka at marami kang pambili ng mga gamit na 'to, dapat pinahahalagahan mo pa rin mga gamit mo. Pero hayaan na nga. Kung mag-iingat ka, wala na akong makukuha sa 'yo.
Weird ko, 'no? Nag-a-advise akong mag-ingat sa ninanakawan ko.
Hay nako! Basta mag-iingat ka pa rin. Hindi lahat ng magnanakaw, kagaya kong magbabayad.
Your thief,
Lara Alexa
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
ContoOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford