The 14th

19 10 0
                                    

Hay, Ford!

Kumusta? Halos mag-iisang buwan na rin mula nang huli kong letter sa 'yo, ah. Hindi mo naman 'to binabasa pero tatanong ko na rin, na-miss mo ba ako? Hahahahaha! Sorry na. Nag-i-imagine kasi ako na paano kung nababasa mo 'tong mga pinagsusulat ko. Medyo hindi makatotohanan ang imagination ko kaya hindi ko na sasabihin dito.

Pasensiya na kung ngayon lang. Naging busy kasi ako, eh. Alam mo bang nilagnat ako? Malamang hindi. Wala ngang nakakaalam, eh. Sinabi ko lang sa mga prof natin noong nakapasok na ulit ako. Naalala mo ba 'yong isang linggo akong absent? Iyon 'yon. Isang linggo akong nilagnat. Hindi ko nga alam kung bakit, eh. Sa sobrang pagod siguro. Hindi naman na ako nagpaospital kasi dadagdag lang 'yon sa mga gastusin namin. Ang mahalaga ay okay na ako ngayon. Pahinga lang naman 'yon, pagkain, at tubig. Ang problema, lahat ng mga 'yon kulang ako sa bahay pero buti na lang guminhawa pa rin ang pakiramdam ko.

Nang makapasok na ako, naging abala naman ako sa pagre-review para sa contest. Malapit na pala 'yon. Nakakainis nga kasi nabawasan 'yong time ko para mag-review. Mabuti na lang talaga at may mga kaibigan na akong mahihingian ng tulong. To the rescue naman sina Britney. Very thankful nga ako sa kanila, eh. May mga prof din naman tayong mababait. Binigyan nila ako ng considiration kasi alam naman daw nilang hindi ako pabayang estudyante.

Pagpasok ko nga, dinumog agad ako ng mga kaklase natin. Nagulat nga ako. Akala ko, na-miss nila ako. Iyon pala wala lang nagbebenta sa kanila ng mga school supplies. Napailing na lang talaga ako habang pinagbebentahan sila last, last week.

Puro kalokohan man ang karamihan sa mga kaklase natin, nakita ko naman ang pag-aalala sa mga mata nila nang nalaman nilang nilagnat ako. Na-touch nga ako nang nagtanong talaga sila sa akin kung okay lang ako, eh. Simpleng bagay lang 'yon para sa kanila pero ang laki ng naidulot niyon sa akin. Ipinakita nila sa aking may halaga pa rin ako kahit sa klase lang natin. Hindi ko man kaibigan ang lahat sa kanila, pero may nag-aalala pa rin sa akin. And for that, I'm very glad.

Ikaw, Ford, ano'ng ganap sa 'yo? Hindi rin kita nasundan-sundan nitong mga nakaraang araw dahil nga sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. Baka naman sabihin mo pinupuntahan lang kita kapag may kailangan lang ako, ah. Hindi, 'no. Sobrang busy ko lang talaga. Promise! Gustong-gusto ko na ngang magsulat sa 'yo, eh. Ngayon lang talaga ako nakahanap ng time. Halos gabi na nga ako umuuwi dahil na rin sa pagre-review at pagtratrabaho. May nag-aayaya pa nga sa aking mag-join sa ilang club at organization sa school, pero sabi ko, pag-iisipan ko pa. Hindi ako makatanggi directly pero parang ayaw ko rin naman kasi hirap na nga ako sa oras, eh. May mga nagpapagawa pa sa akin ng mga kung ano-anong school work. Grabe! Natambakan ako nang nawala ako nang isang lingo. Hindi naman ako makatanggi kasi pera din 'yon.

Tinapos ko muna ang mga kailangan kong gawin bago ko napagdesisyonang sumulat sa 'yo. Yes, halos natapos ko na ang lahat ng mga kailangan kong gawin. Importante ka sa akin kaya ayaw kong may iistorbo sa akin habang sumusulat sa 'yo. Mahirap din kayang humanap ng paraan para makapuslit sa bag mo. Hahahahaha!

Uy, napapansin mo bang wala na akong kinukuha sa 'yo? Ang tagal na rin yata nang huli eh, 'no? Masaya ako kasi ibig-sabihin niyon ay walang gaanong pangangailangan ang pamilya ko. Hindi na rin ako kumukuha sa 'yo ng pagkain kasi nagshe-share si Britney ng mga pagkain niya. Pinsan niya raw kasi ang may pakana niyon. Nag-aaral daw kasi magluto 'yong pinsan niya tapos sa kaniya pinapatikim kung masarap. Dinadamihan din ng pinsan niya ang bigay para daw ipatikim at ibigay rin sa mga kaibigan ni Britney. Grabe! Ang bait ng taong 'yon. Kahit na nagpra-practice lang siya at wala lang din sa kaniya 'yon. Ang laki na ng naitulong niya sa akin. Bawas gastos at nakaw rin kaya 'yon.

Kaya very thankful ako kay God kasi kahit na nagkasakit ako, hindi niya pa rin ako pinabayaan at ang pamilya ako. Binigyan niya ako ng mga tutulong sa akin. Sina Britney, ang mga kaibigan n'yo, ang pinsan niya, ang mga kaklase natin, ang mga prof natin, at siyempre ikaw. Hindi ako makaka-survive kung wala ka, Ford. Halos lahat ng naitulong sa akin at sa pamilya ko ay dahil sa 'yo, kaya thank you very very much! Balang araw, makakabawi rin ako sa inyong lahat. Pinapangako ko 'yon sa sarili ko.

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon