The 1st

18 11 0
                                    

Hay, Ford!

Ako si Lara Alexa. I don't know kung kilala mo ako o kung naaalala mo pa ako, pero isa ako sa mga kaklase mo. Schoolmates din tayo noong high school. Anyways, baka isipin mo love letter 'to kaya dederetso na ako sa main point kung bakit ko sinulat 'to.

Kung mababasa mo 'to ngayon, malamang may nawawalang gamit sa 'yo. Pabango at relo, tama?

Bakit ko alam? Well, ako lang naman ang kumuha ng mga yto.

Wait! Magbasa ka pa. Huwag mo muna akong isusumbong. Please! Tapusin mo muna 'tong letter.

Pasensiya ka na, ha? Wala na kasi akong maisip na paraan, eh. Alam kong masama ang magnakaw. Kahit na sabihin kong nagpaalam ako through this letter, hindi pa rin valid 'yon. Kinuha ko pa rin 'yong mga gamit mo nang walang paalam. Pasensiya na talaga.

Alam kong napakamahal ng pabango at relong kinuha ko. Well, kaya ko nga kinuha kasi mahal. Ibebenta ko 'to para idagdag sa pampaospital ni tatay.

Kapag nagkaroon na ako ng sapat na pera, babayaran din kita. Hindi ko nga lang alam kung kaylan 'yon. Mukhang matatagalan pa kasi, eh. Kung sasapat nga lang 'yong kita ko sa trabaho, hindi ko na sana 'to ginawa.

I know that it's bad, pero huwag mo sana akong isumbong o ipakulong. Please! Babayaran talaga kita.

The thief,

Lara Alexa

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon