'Hay, Ford!
Kaloka ka alam mo ba? Hindi ko alam kung matutuwa ako sa 'yo o maiinis, eh. Pinagsabihan na kita tungkol sa mga gamit mo, 'di ba? Sabi ko sa 'yo mag-ingat ka. Pahalagahan mo ang mga gamit mo kahit na marami ka namang pambili ng mga 'yon. Aba ewan ko ba naman sa 'yo. Hindi ka nakontento sa pag-iwan lang ng mga kung ano-anong gamit, pati pera iniwan mo na rin. Kaloka ka talaga. Hindi ko na alam gagawin ko sa 'yo. Gusto kong mainis, but at the same time parang gusto ko ring matuwa. Dagdag choices ko rin 'yon. Pero hangga't maaari, pipilitin kong hindi kumuha sa mga pera mo. Halos mga regalo na nga lang sa 'yo 'yong mga kinukuha ko, eh. Hinding-hindi ako kukuha ng pera mo hangga't hindi ko kailangang-kailangan.
Speaking of kinuha, nasa akin na 'yong I phone na binigay sa 'yo ni Sidney. Grabe ang babaeng 'yon hindi marunong sumuko. Nilagay niya lang kaya 'yon sa desk mo, so hindi ko na kinailangang buksan pa 'yong bag mo, pero kitang-kita ko pa rin 'yong mga pera mo. Kumakaway sa mga mata ko, eh. Mag-ingat ka naman, Ford. Baka mamaya hindi lang ako ang nangunguha ng mga gamit mo, ha?
Your thief,
Lara Alexa
PS.
Picture mo 'yong wall paper sa I phone na binigay ni Sidney. Punong-puno rin ng picture mo 'yong phone na 'to. Buburahin ko muna ang mga 'to bago ko ibenta.
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Short StoryOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford