The 13th

15 10 0
                                    

Hay, Ford!

Kumusta ka? Ilang linggo na rin mula ng last letter ko. Wala ulit akong kinuha sa bag mo. Share ko lang. Marami lang talagang nangyari sa akin nitong mga nakaraan na gusto kong sabihin sa 'yo. Alam mo na... wala naman akong mapagkukuwentohang ibang tao.

Una, sumali na ulit ako sa group study nina Britney. Maliban sa pag-aaral, nagsasaya rin pala ang mga 'yon, at hindi naman sila 'yong mga nagpa-party-party araw-araw. Para lang silang tipikal na magkakabarkada. Ang saya nilang kasama actually. Honestyl, nag-enjoy ako. Pumayag na rin pala ako sa inaalok na friendship ni Britney. Sa totoo lang, kinakabahan pa ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat gawin at i-expect, pero sinigurado naman ako ni Britney, at sa paglipas ng mga araw, naging komportable na ako sa kaniya. Hindi pa naman kasing komportable ko sa 'yo na napagsasabihan ko ng halos lahat ng problema ko, pero at least may iba na akong napagkukuwentohan ng mga bagay-bagay. Feeling ko normal na tao na ako. Hahaha! Wala naman kasi akong kaibigan talaga mula bata pa ako. Masyado akong naka-focus sa pamilya ko at sa pag-aaral ko. Ngayon naman, nadagdagan pa ng pagtratrabaho ko. Mabuti na lang at hindi demanding si Britney. Sinasamahan niya lang ako tuwing feeling niya kailangan ko at nirerespeto niya ang privacy ko. Hindi siya nagtatanong ng kung ano-ano sa akin. Kapag feeling niya ayaw kong pag-usapan, hindi na niya pinipilit. Mayroon din naman akong nalaman tungkol sa kaniya. Hindi naman ako palatanong, palakuwento lang talaga si Britney. Hindi ko nga akalaing ganoon siya, eh. Sa unang tingin kasi parang sobrang tahimik siya, pero iba nga ang side na ipinapakita niya sa mga kaibigan niya at sa mga taong gusto lang makipag-close sa kaniya for benefit. Ang galing nga ni Britney, eh. Ang lakas ng pakiramdam niya. Alam niya kung may ibang motibo ang mga taong lumalapit sa kaniya. May ganoon din naman akong pakiramdam, pero hindi kasing lakas ng kaniya. Sabi nga niya, isa raw sa dahilan kaya niya ako nilapitan kasi alam niyang hindi raw ako isa sa mga user rito sa university. Hindi rin daw ako plastic at honest din daw ako. Hay! Kung alam niya lang ang ginagawa ko sa 'yo, ewan ko lang kung masasabi niya pa ang mga 'yon.

Gusto ko sanang sabihin kay Britney ang ilan sa sitwasyon ko, pero ayaw ko naman siyang madamay sa mga problema ko. Ayaw ko ring maging masama ang tingin niya sa akin kapag nalaman niya ang ginagawa ko sa 'yo. Ewan ko ba. Hindi pa lang siguro ako ganoon kakomportable sa kaniya para ikuwento ang mga ganoong bahagi ng buhay ko. Ang sama ko ba, Ford? Ano sa tingin mo?

Kasama rin pala namin sa group study ang ilan sa mga kaibigan mong sina Clide at Justin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nagpapagawa ng mga activity sa akin 'yong sina Clide at Justin kung gumagawa naman sila roon sa group study. Gusto ko sana silang tanungin kaya lang nahihiya pa ako, eh. Mabait naman sila. Kinakausap naman nila ako. Ako lang talaga itong awkward pa rin sa kanila. Masisisi mo ba ako? Ang guguwapo ng mga 'yon, eh. Mga sikat pa sila sa university. Si Britney pa nga lang hindi ko na kinakaya tapos daragdagan pa nina Justin at Clide. Hindi ko na nga rin kinakaya 'yong pag-ship ng buong klase sa akin kay Justin, eh. Hanggang ngayon kinahihiya ko pa rin 'yon. Sana dumating ang panahong maging komportable ako sa kanila, 'no? Malay mo makausap din kita dahil sa kanila. But I doubt it. Baka manahimik lang ako kapag nasa iisang lugar lang tayo. Sobrang awkward ko kaya. Malakas lang yata ang loob ko sa 'yo kasi letter 'to at hindi mo ako nakikita, eh.

Oo nga pala. Napili rin akong lumaban sa Math contest. Isa yata ako sa representative ng department natin. Hindi ko pa alam kung sino-sino ang mga kasali at kung ano ang gagawin. Hindi sana ako papayag kasi dagdag lang 'yon sa mga gagawin ko, pero sabi cash daw ang premyo, eh. Sabihan man akong mukhang pera, para naman 'yon sa pamilya ko. Magre-review ako nang mabuti para manalo sa contest na 'to. At least may dagdag akong source of money na hindi nakaw. Sabi naman nina Britney ay tutulungan nila ako, eh. Mabuti na lang talaga.

Ikaw, Ford, balita ko may sinalihan ka ring contest, ah. Ano kaya 'yon? Wala pa akong nababalitaan, eh. Hindi pa sinasabi ng mga prof natin. Sana gusto mo ang ginagawa mo at 'yong contest na sasalihan mo, at sana manalo ka rin.

Your thief,

Lara Alexa

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon