Hay, Ford!
Na-realize ko lang na nakakainis 'yong last letter ko. Ewan ko ba. Naiinis ako kapag naaalala ko mga pinaglalalagay ko roon, eh.
Anyways, saan mo kaya nilalagay 'tong mga sulat ko? Tinatapon mo ba? Kapag chini-check ko 'yong bag mo, wala na ang mga 'yon, eh. Mula sa pinakauna kong letter wala na sa bag mo. Chini-check ko naman 'yong mga basurahan pero wala rin doon. Hindi ko tuloy sure kung tinatapon mo nga o hindi. Uy, tinitingnan ko lang 'yong basurahan, ha? Hindi ko naman 'yon hinahalughog.
Alam mo ba ang kumakalat ngayon? Well, pinag-uusapan lang naman ang rejection mo kay Sidney. Kinompronta mo raw siya. Pinag-uusapan ngayon 'yong sinabi mo raw kay Sidney na huwag daw siyang nagpapakalat ng maling impormasyon. Sinabi mo rin daw na walang kayo at hinding-hindi magiging kayo. Marami raw ang nakarinig so hindi ko sure kung totoo. Umiiyak nga raw si Sidney, eh. So baka totoo nga. Well, hindi ko alam mararamdaman ko. Sinabi ko lang sa 'yo last week na ayaw ko maging kayo at paki confirm kung kayo nga, at na-confirm nga. Feeling ko tuloy nababasa mo 'to. Haha huwag naman sana. Mababalot ako sa matinding kahihiyan. Tsaka imposible 'yon kasi kung nababasa mo 'to, meaning alam mo na na ako ang kumukuha ng mga gamit mo. Sana kinausap mo na ako or sinumbong. Eh, wala pa namang nangyayari sa akin. So I assume na hindi mo pa 'to nababasa. Kaya nga game na game pa akong magdadaldal sa 'yo ng mga nararamdaman at opinyon ko, eh. Kunwari diary kita.
Oyy, hindi na sa 'yo nagreregalo si Sidney pero ang dami mo pa ring admirer. Kaninong regalo naman kaya ang ta-target-in ko? Hmmm...
Your thief na nag-iisip,
Lara Alexa
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Short StoryOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford