The 17th

13 9 0
                                    

Hay, Ford!

Kumusta? It's been awhile, right? Mga midterm yata nang huli akong nagsulat sa 'yo, eh. Ngayon, matatapos na ang semies at malapit na ang final term. Naghahanda na naman ang lahat sa exam. Punong-puno na naman ako ng mga customer na nagpapagawa at nagpapatulong sa kung ano-ano nilang activity at requirements. Mayroon din naming nagpapagawa ng reviewer at nagpapatulong mag-review o magpa-tutor.

Thankful naman ako sa kanila, pero parang wala talaga akong energy nitong mga nakaraang linggo. Ayaw ko man, pero parang tinatamad akong bumangon araw-araw, pumasok sa university, kumilos, mag-aral, at kung ano pa man. Wala akong gana sa kahit na anong bagay. Pinipilit ko lang talaga ang sarili ko para sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko. Nandiyan na rin sina Britney, Clide, Justin, at ang iba pa para i-motivate ako. Though hindi nila alam 'yon. Still, malaking tulong sila sa akin.

Hindi ko na nga alam kung ano ang problema ko, eh. Bigla na lang akong nagkaganito. Ayaw man ng katawan ko o utak ko, hindi naman puwede dahil sa sitwasyon ng pamilya namin. Iniisip ko na nga lang na ito na nga lang 'yong ginagawa ko, ganito pa ang nararamdaman ko. Paano pa ang mga magulang ko na halos makuba at magkasakit na mapakain lang kaming buong pamilya. Halos hindi na sila matulog at mapakain maibigay lang ang mga pangangailangan namin. Wala akong narinig na kahit na anong reklamo o daing sa kanila.

Oo, napapagalitan nila kami minsan at nasasabihan ng hindi magandang salita, pero hindi nila sinabi sa amin na ayaw na nila at napapagod na sila sa mga ginagawa nila o sa amin. Kahit na nanghihina, pinipilit pa rin nila kaming lumaban sa buhay.

Kaya nakokonsensiya tuloy ako. Naiiyak na ako gabi-gabi kapag nakakapag-isip-isip ako. Feeling ko wala akong karapatang maramdaman 'yong mga nararamdaman ko ngayon at noong mga nakaraan.

Kaloka! Naiiyak na rin tuloy ako habang nagsusulat. Nakakainis naman kasi, eh. Bakit ko ba nararamdaman 'to ngayon? Ano ba ang problema ko?

Ikaw, Ford, sana ay okay ka lang. Huwag mo sanang maramdaman ang mga nararamdaman ko ngayon. Ang hirap, eh. Mahirap na parang pinipilit ko lang ang sarili kong bumangon at kumilos. Feeling ko wala na akong gana at hopeless na ang lahat. Para saan ko pa ba ginagawa ang mga 'to? Pinapagod ko lang naman ang sarili ko, eh. Sigurado ba ako na kapag nakapagtapos ako ay makakahanap ako ng trabaho? Sigurado ba ako na kapag nakahanap ako ng trabaho ay makakaahon kami sa hirap? Ideas lang naman 'yong mga pangarap ko at 'yong gusto kong mangyari, eh. Pagdating ng reality, iba na. Iba ang takbo ng society lalo na kapag wala na kami sa university.

Hay! Iyan na. Napa-rant na ako. Sorry! Sige na, tatapusin ko na 'to. Ayaw kong nagiging ganito ang mga isipin ko, eh. Mamaya niyan umiiyak na naman ako. Mahirap pa namang magtago ng feelings sa bahay. Masyado akong kilala ng pamilya ko. Palagi na rin akong sinasamahan nina Britney kaya baka makahalata rin sila. Ayaw kong magsabi dahil baka isipin nilang ang sensitive ko naman at ang OA pa. Besides, masaya na sila. Ayaw ko pang maging problema. Okay na rin 'to. Nasasabi ko naman sa 'yo, eh.

Your thief na feeling down

Lara Alexa

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon