Hay, Ford!
Niyaya ulit ako nina Britney sa group study nila. Sa totoo lang, hindi ko ini-expect na uulitin pa nila 'yon. Akala ko kasi one time thing lang 'yong pag-invite sa akin ni Britney, eh. Nahiya tuloy ako nang lapitan niya ako tapos tinanong niya kung bakit hindi na raw ako pumupunta sa cafe kung saan kami nag-group study noong nakaraang sem. Hindi ko naman masabi 'yong akala ko kaya sinabi ko na lang na busy ako na totoo rin naman. Hanggang ngayon ay marami pa ring nagpapagawa sa akin pero hindi naman na gaya nang nakaraan.
Aaminin ko. Natuwa ako sa action na 'yon ni Britney. Pinapakita kasi niyon na may pakialam siya sa akin. At hindi lang 'yon, sinabi niya sa akin na gusto niya raw ako maging kaibigan. Like actually? Si Britney Aragon 'yon. She's very popular tapos gusto niya akong maging kaibigan. Ako na nobody lang dito sa university? Nararamdaman kong totoo si Britney pero sana wala pa ring nagtutulak sa kaniya para gawin at sabihin 'yon. Parang ang imposible kasi na isang gaya niya ang lalapit at gustong makipagkaibigan sa akin, eh. Masyadong magkalayo ang mundo namin.
Alam mo ba kung ano'ng ginawa ko? Ngumiti lang ako nang awkward sa kaniya tapos sabi ko na gusto ko rin naman siyang maging kaibigan pero parang imposible 'yon. Sinabi niya na huwag ko raw isipin ang sasabihin ng iba at dapat isipin ko lang ang gusto ko. Madali 'yong sabihin at gawin para sa kaniya pero hindi para sa akin. Buong buhay ko, wala na akong ginawa kundi unahin ang mga nasa paligid ko. I have no time to prioritize myself. They are more important than my very own self.
Naisip ko kung makikipagkaibigan ba ako kay Britney, obligada ba akong gumawa ng kung ano? Kailangan ko bang dumikit sa kaniya? Anong klaseng kaibigan ba ang gusto niya at ang tinutukoy niya? Katulad ba ng kay Sidney? Gusto niya ba akong maging gaya ng mga kasama ni Sidney na parang buntot at anino niya?
Sinabi ko 'to kay Britney at alam mo ba, Ford? Daig niya pa ang nasampal nang tinanong ko ang mga 'yon sa kaniya. Parang na-offend pa siyang nakompara ko siya kay Sidney.
Well, kung may issue siya kay Sidney o kung may problema silang dalawa, hindi ko naman alam. Pero naiintindihan ko rin siya kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Hindi naman kasi maganda ang ganoong treatment sa mga tinuturing mong kaibigan.
Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang sinabi niya sa akin. Gigil na gigil siya na parang gusto niyang tumatak sa brain cells ko ang mga salita niya. Oh well, gumana naman. Noon ko lang nakitang ganoon si Britney. Nawala ang pagiging mahinhin niya. Naging mataray siya bigla, eh. Hindi naman 'yon derekta sa akin pero parang may kasalanan ako kahit na nagtatanong at naninigurado lang naman ako.
Sabi niya, "Makinig ka, Lara. Huwag na huwag mo akong itutulad sa babaeng 'yon. Magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Naiintindihan kong naninigurado ka lang at gusto mong ingatan ang sarili mo, pero huwag na huwag mong iisipin na may pagkakapareho kami ng babaeng 'yon. Malayo ako sa kaniya. Walang pagkakapareho sa amin kahit na saang aspeto. Hinding-hindi ako magiging katulad ni Sidney dahil hindi ako user. Tandaan mo 'yan. I am not a user. Kapag sinabi kong gusto kitang maging kaibigan, totoo 'yon. At kapag sinabi kong kaibigan, kaibigan talaga. As in 'yong laging nandiyan para sa 'yo. Tutulungan ka, papayuhan ka, susuportahan ka, pasasayahin ka and the likes. Hindi ako naghahanap at hindi ko kailangan ng alalay at alipores gaya ng Sidney na 'yon. Nasagot ko ba ang tanong mo?"
Well, malinaw na pagkatapos ng usapan naming 'yon, malinaw na sa aking may galit talaga si Britney kay Sidney. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Hindi ko naman na problema 'yon. At nalaman ko rin na mayroon pang ibang side si Britney Aragon. Hindi lang siya basta mabait, mahinhin, at matalinong babae. She's beautiful and a very good volleyball player, but there's also more to her. May tinatago siyang taray. Hindi naman 'yon sign ng pagiging plastic sa kakin. I think pinakikita niya lang 'yon sa mga close niya o sa mga taong gusto niya, at suwerte ako na makita ko ang side niyang 'yon. Ayaw ko lang talaga mapunta sa receiving end ng galit niya gaya ni Sidney. Ano kayang nangyari sa kanila ni Sidney para magalit siya nang ganoon?
Anyway, sinabi ko sa kaniya na pag-iisipan ko kung gusto ko siyang maging kaibigan. Gusto ko naman pero nag-aalinlangan ako dahil sa status naming dalawa. Ayaw kong maging problema pa niya ako, 'no? Halatang na-disapoint siya sa sagot kong 'yon pero hindi niya pinahalata sa akin. I also told her na kung hindi na ako busy sa susunod ay sasali ako sa group study nila. Malaking tulong din 'yon sa akin, 'no? Nahihiya lang talaga ako sa grupo nila. They are all seem kind, but I can't put my finger on it. Parang may something. Parang may alam sila na 'di ko alam na tungkol sa akin. Ewan ko kung bakit ganoon ang sinasabi ng gut feeling ko, pero mukhang hindi naman 'yon masama.
Ano sa tingin mo, Ford? Dapat ba akong sumama ulit sa group study nila? Should I let Britney enter my walls? Should I let myself be part of their circle? I want to, yes, pero masyado akong maraming issue at problema para sa kanila. Wala rin akong maaambag at maitutulong sa kanila. Baka maging pabigat lang ako, pero sabi nga ni Britney sa akin kanina, hindi ganoon ang friendship. It's two way, yes, pero hindi kina-kailangang palaging may gagawin ka sa kaibigan mo. Hindi naman daw 'yon charity case and it's a matter of choices at sa pag-uusap ng magkaibigan. And what am I going to do with my gut feeling?
Your thief na nag-iisip at naguguluhan,
Lara Alexa
PS.
Wala ulit akong kinuhang gamit, ha? Living diary muna kita. Mabuti na 'yon kasi maganda ang kalagayan nina nanay at tatay, at walang problema ang mga kapatid ko sa pag-aaral nila. Nakahanap din ng kaunting pagkakakitaan si tatay kahit papaano. Si nanay babalik din sa pagtitinda niya kapag okay na okay na siya, at wala pa ring problema sa scholarship ko. Mabuti nba lang talaga. Kahit na sinabi kong babayaran kita, ayaw ko pa rin ng feeling kapag kinukuha ko ang isa sa mga gamit mo nang hindi nagpapaalam nang derekta. Kaya mabuti na lang at maayos pa ang sitwasyon namin sa bahay at sitwasyon namin ng mga kapatid ko sa mga school namin. Ganoon din ang health ng parents ko.
Thank God!
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Short StoryOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford