Prelude: Hay, Ford

26 11 0
                                    

"Hi, Luke!"

"Yo, Luke!"

"Hello, Luke!"

Tinanguan ko lamang ang mga bumabati at tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung paano ako nakilala ng mga taong 'to. Karamihan sa kanila ay kilala ko lamang sa mukha. Ang iba ay pamilyar na lang.

"Luke!"

Napahinto ako sa biglang sumigaw. Lumingon ako sa lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Malapad ang ngiti niya habang kumakaway.

"Tristan," pagbati ko sa kaniya paglapit niya sa akin.

"I did it."

Kumunot ang noo ko. "You did what?"

He huffed. "Ano pa ba? Edi 'yong pinagagawa mo. Napakalat ko na. Pati nga mga tagakabila, eh."

I smiled greatfully at him. "Really?"

"Yes!"

"Thank you, Tris!"

"No problem, bro. Easy lang naman 'yon, eh. Madaling magpakalat ng balita rito sa university. Hindi ko na kailangang maging member ng publication."

Napabuntong-hininga ako, pero napakunot noo rin nang may maalala. "Wait, you said, pati mga taga kabila. As in mga taga kabilang department?"

Tristan grinned. "Oo, galing ko, 'no?"

Napangiwi ako. Parang nakikita ko na ang mga mangyayari. Napasobra naman yata si Tristan. I needed to fix this if ever everything messed up, if she couldn't handle it.

Sabay na kaming naglakad ni Tristan papuntang room. Blockmates naman kami.

"Sigurado ka ba sa mga pinaggagagawa mo, Ivan?"

Muli akong napalingon kay Tristan. He called me by my second name, meaning, his question was serious.

"Pinaggagagawa saan?" I asked back? I needed to make sure.

"You know what I'm talking about."

I just staired at him.

"Fine." He heaved a heavy sigh. "This!" He motioned his right hand around us. Napalilingon pa sa kaniya ang mga nadaraanan naming estudyante. "What you're doing at university just for a certain girl. Are you really sure? Hindi ka ba nabibigla lang o walang magawa?"

"Yes, I'm sure, Tris. Hindi ako nabibigla. I've known her for a long time now. Sana nga matagal ko na 'tong ginawa. Hindi rin dahil wala akong magawa kasi alam mong ang dami kong ginagawa sa buhay."

He snickered. "That's the understatement of the year, Luke Ivan Ford Guivara."

I just gave him a grin. "Bilisan mo na nga lang maglakad. Malapit nang matapos ang lunch break."

Nang nakarating kami sa classroom ay wala pa sa kalahati ang mga estudyante. When I checked the time, sampung minuto na lang bago magsimula ang klase.

Napahinto ako sa paglalakad nang makarating ako sa puwesto ko. Nakaupo ako sa pinakadulo, malapit sa bintana kaya bihira ang nagagawi rito, pero alam kong may mali. Nagbago ang puwesto ng bag ko. Hindi ganito ang puwesto niyon bago ako lumabas. Nakasandal ang bag ko sa armchair kanina, pero ngayon ay hindi na.

"Luke, ibibigay mo pa ba sa 'kin 'yong pabangong sinabi mo last week?"

Napalingon ako sa kapapasok lang at biglang nagsalitang si Aron.

"Oo, sandali lang. Titingnan ko rito sa bag."

I promised that I would give him a perfume last week. Marami naman kasi ako sa bahay at hindi ko nagagamit lahat.

Nang binuksan ko ang bag ko, alam ko na agad na may nagbago. Nasaan na ang mga 'yon? Where the hell are my watch and my perfume? Someone stole it. I'm sure of that.

Kunot-noo kong hinalughog ang buong bag ko, pero nawawala talaga ang relo at pabango ko.

Dahil sa kagagalaw ko ng mga gamit, halos hindi ko na mapansin ang bagay na 'yon. Bukod tangi iyon sa mga gamit ko. A small paper envelope.

Is this a letter?

I staired at it. It was just a white paper envelope. No design or anything. May nakasulat lang na

To Luke Ivan Ford Guivara

Ano 'to, love letter?

I shook my head.

Parang hindi naman.

Umupo na ako at inayos ang mga gamit ko. Ang lahat sa ayaw ko ay ang magulong mga gamit. Nang maayos ko na ang lahat, tsaka ko naman pinagtuunan ng pansin ang liham. I carefully opened the paper envelope and slowly pulled the paper inside it. Nang nakita ko ang sulat kamay ay muli akong napahinto. Parang alam ko na ang nangyari. Bumalik ang tingin ko sa bag pagkatapos ay nilibot ko ang mga mata ko sa buong klaseng malapit nang makompleto. Kilala ko na ang salarin.

Binalingan ko ang isa sa mga kaklase ko. "Aron,"

"Oh, bakit? Ibibigay mo na?"

Umiling ako. "Sorry! Naiwan ko pala. Akala ko nalagay ko na rito, eh. Bukas na lang."

Napailing siya at muling ngumiti. "Okay lang, brad. Kahit kaylan. Hindi naman ako tumatanggi at umaarti sa libre, eh."

I grinned and shook my head.

Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong klase. Wala pa siya.

Nang alam kong wala na akong dapat gawin ay muli akong bumaling sa liham na nasa mga kamay ko. Ngayon pa lang. Nararamdaman ko nang malaki ang mababago ng liham na 'to sa akin at sa mga plano ko. Hindi ko lang alam kung mabuti 'yon o hindi.

Huminga na lamang ako nang malalim at sinimulan na ang pagbabasa.

Hay, Ford!

---

Clear Shiny

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon