The 9th

16 10 0
                                    

Hay, Ford!

Nagugutom ako. Hindi ako kumain kahapon, eh. So patawarin mo ako kung kinuha ko 'yong pagkain sa bag mo. Sorry na! Na-tempt ako, eh. Wala kaming pagkain sa bahay. Parehong nasa ospital sina nanay at tatay. Iyong mga kapatid ko naman, lahat busy. Hindi na ako nagluto kasi ako lang naman ang kakain. Kailangan naming magtipid so tiniis ko na lang 'yong gutom ko. Marami rin naman akong ginagawa, eh. Halos hindi ko na 'yon ramdam kahapon, pero ngayon iba na. Kumukulo 'yong sikmura ko. Torture nga noong nagpunta akong food center kanina, eh. Doon ko kasi kikitain 'yong isa sa mga customer ko. Imagine, napapaligiran ako ng mga pagkain at ng mga kumakain habang gutom na gutom ako. Kulang na lang maglaway ako roon, eh. Grabe talaga! Lalo pa akong nagugutom sa mga naaamoy at mga nakikita ko roon.

Hindi na ako nakatiis kaya dumeretso na ako ng classroom. Nakita ko may nilagay kang lunch box sa bag mo kanina, eh. Hindi ako sure kung kakainin mo 'yon pero nanigurado pa rin ako. Chineck muna kita sa tambayan n'yo nina Clide. Nandoon ka nga at masayang kumakain. So bumalik ako ng classroom at maingat na kinuha 'yong pagkain na nilagay mo sa bag mo.

Kung kakainin mo man 'to, sorry na ulit. Gutom na gutom lang talaga ako. Isama mo na 'to sa mga utang ko.

Oyyy, ang sarap ng pagkain, ah. Rice with chicken curry at may mga chocolate pa. Ang sarap ng kain ko. Akala mo hindi ko ninakaw, eh. Worth it ang gutom at pagkuha ko ng pagkain mo.

Your thief na nagugutom pa rin,

Lara Alexa

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon