Hay, Ford!
Hellooooooo!
Hahaha! Sorry na kung magulo. Matagal na rin kasi mula nang huli tayong nagkausap, eh. I mean, matagal na mula nang huli akong nagsulat sa 'yo. Na-busy rin kasi ako ulit sa mga bagay-bagay rito sa school, eh. Parang katatapos lang kasi nang finals last sem tapos ngayon magmi-mid-term na naman.
Kumusta ka? Ito halos ang paulit-ulit kong tinatanong sa 'yo kasi naman, wala naman akong maitatanong na iba, 'di ba? Hindi naman tayo close. Kilala kita, 'yon lang. Sana nga kilala mo rin ako, 'no? How I wish.
Kung hindi mo naitatanong, okay lang naman ako. So far, so good ang buhay ko ngayon. Healthy pa rin ang parents ko at maayos naman ang lagay ng mga kapatid ko. As for acads, maayos naman ang standing ko. Wala naman akong grade na mas mababa pa sa dos noong nakaraang sem, eh. Ikaw ba? Kumusta ka at ang grades mo?
Nakakatuwa nga kasi sinama ako nina Britney mag-celebrate noong nakarran lang. Late celebration daw para sa success ng first semester. Hindi ko alam kung bakit pa nila sineselebrate 'yon, pero sumama na lang din ako. Nag-enjoy rin naman ako kasi first time ko makapasok sa isang cafe as a customer. Last time kasi na nandoon ako ay nagtratrabaho ako bilang cashier.
Masarap ang mga tinapay at kape roon, pero mas bet ko pa rin talaga ang pandisal at 3 in 1 na kape lang. Kaloka ang presyo ng mga tinda roon. Sa pinagtrabahuhan ko naman dati, hindi ganoon ka mahal, eh. Ganoon ba talaga kapag mayayaman? Kaloka parang ginto ang bawat bagay roon sa presyo, ah. Nakakatakot tuloy kumilos. Buti na lang talaga nandiyan si Britney. Hindi niya ako hinahayaang magtubig lang o mag-stay lang sa isang gilid na walang kausap.
Sobrang bait ni Britney kaya minsan ako na lang din ang nahihiya sa kaniya, eh. Buti nga rin at kahit papaano ay nakakapalagayan at nakakagaanan ko na ng loob 'yong mga kaibigan n'yo. Ang sarap palang kausap ng mga 'yon, 'no? Sa unang tingin, mukha silang mga lalaking puro laro lang ang alam sa buhay, but I found out na mga mature na rin pala ang mga 'yon.
Ikaw, kaya, Ford, kaylan ko makakausap? Base sa mga kinikilos mo, alam ko namang may pagka-mature ka na rin, eh, pero gusto ko pa ring malaman kung anong klase kang kausap. Ano ang hilig mo sa music, sa books, sa movies, and the likes. Gusto kong mag-usap tayo ng iba't ibang bagay gaya ng ginawa namin ni Clide at magtalo dahil sa magkaibang idea gaya namin ni Justin, pero hindi naman kami nag-away. Ang saya nga ng halos debate namin, eh. Tuwang-tuwa pa si Britney. Ang alam ko pa nga ay nag-video siya habang nagsasagutan kami.
Ang saya rin palang ma-express mo sa iba 'yong beliefs mo, eh, 'no? Kahit na magkaiba kayo ng ideals, alam mong hindi ka nila huhusgahan. Magtatalo kayo, yes, kasi pareho kayong may gustong i-prove na point, pero hanggang doon na lang 'yon. Mananatili pa rin 'yong friendship n'yo.
Nasanay kasi akong tinatago lang ang lahat ng nararamdaman, idea, and thoughts ko. Una, wala namang makikinig sa akin sa bahay. Pangalawa, wala akong mga kaibigan hindi gaya ng ngayon.
Sa bahay, bata pa ang mga kapatid ko at nasa school, at ang parents ko naman ay busy maghanap buhay para sa aming magkakapatid. I love all of them, but sometimes I'm wishing na may puwede rin akong kausapin at paglabasan ng mga kung ano-anong feelings and thoughts ko.
Kaya siguro ako nagdadaldal sa 'yo, eh, 'no? Sana nga lang huwag mo 'tong ikalat kung nababasa mo man 'to. Atin-atin na lang, ah. Nakakahiya kaya kapag nalaman ng iba mga ginagawa ko sa buhay. Plus, the fact na ninanakawan kita. May paalam man, nakaw pa rin 'yon. bad will always be bad.
Your thief na matagal nang nakokonsensiya,
Lara Alexa
PS.
Nakita ko pala 'yong picture mo sa phone ni Britney. Noong tumawag ka yata noon. Sa caller ID kasi, eh. Magkakilala pala kayong dalawa? Well, halos same kayo ng circle of friends. Nagtataka nga ako kung bakit wala ka sa kanila, eh.
PPS.
Ang guwapo mo roon sa pic mo, ah. Bagong gising ka pa nga yata kasi papikit-pikit pa 'yong mga mata mo, eh. Ang cute din. Sana may picture mo rin akong ganoon. Hay! Manghingi kaya ako kay Britney? Hmmm...
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Cerita PendekOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford