Hay, Ford!
Nakakainis! Second sem na pero hindi pa rin nila nalilimutan 'yong pag-ship nila sa akin kay Justin. Ang tagal na niyon, eh. Siyempre pati 'yong pagkahimatay ko malapit sa puwesto niya, naaalala pa rin nila.
Parang gusto kong pagsisihan 'yong ginawa kong 'yon, but at the same time hindi rin. Na-realize ko kasi na mas komportable lang ako sa 'yo. Siguro dahil sa feelings ko. Oops! Next time ko na lang ikukuwento 'yon sa 'yo. Hindi pa ako ready kahit na hindi mo naman binabasa 'to. Baka kasi mainis ka pa sa akin kapag nalaman mo mga pinaggagagawa ko.
Balita ko girl friend mo na raw si Sidney. Kumusta kayo? Paano kaya naging kayo? Niligawan mo ba siya? Parang hindi naman. Palagi kaya kitang sinusundan. Akalain mong sa rami ng ginagawa ko sa buhay may oras pa akong sundan ka. Well, that's love. Joke!
Pero paano nga naging kayo? Nagulat na lang ako pinagkakalat ni Sidney at ng mga kaibigan niya na kayo na raw. Hindi mo naman tinatanggi kaya maraming naniniwala, pero hindi mo rin naman kino-confirm kaya conflicted ako. Gusto kita maging masaya pero parang ayaw ko maging kayo. Selfish ko ba? Masasaktan yata ako kapag na-confirm mo na. Kukuhain ko 'tong bracelet mo, ha? Pero please paki confirm naman kung kayo na ba o hindi pa o hindi na talaga.
Your thief na may crush sa 'yo,
Lara Alexa
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Short StoryOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford