The 20th

17 9 0
                                    

Hay, Ford!

Grabeeeeee! Ang hirap pa lang kiligin nang palihim. Alam kong nakakasama at nakikita naman kita sa classroom, pero iba pa rin 'yong feeling ko kanina. Grabe talaga!

Kanina kasi, sobrang lakas pa rin ng ulan. So naghihintay naman ako sa gate na tumila 'yon kasi nga wala akong dalang payong. Ilalabas ko na sana 'yong letter na ginawa ko kaninang umaga, kaso halos manigas ako nang narinig kitang kinausap 'yong isa sa mga guard. Sa sobrang bilis ng heartbeat ko, halos malukot ko na 'yong papel na hawak ko. Halos mahampas ko pa si Clide nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko at tinawag pa ako.

Nahihiya nga akong baka mapansin mo ako tapos epal naman si Clide.

"Oy, Lara! Ikaw pala 'yan. Ano'ng niyuyuko mo riyan?" Akma pang titingnan ni Clide ang papel sa mga kamay ko na agad-agad ko namang itinago sa bag sa harapan ko.

"Sungit naman. Parang wala tayong pinagsamahan, ah. Sa susunod hindi na ako bibili ng grahamball mo sige ka."

"Wala lang 'yon, 'no. Kaya ka nasasabihan ni Britney na bida-bida, eh."

"Iyan ang hirap kapag naiimpluwensiyahan ni Britney, eh. Nasaan na ''yong Lara na mahiyain at hindi makapagsalita sa harapan ko?"

I rolled my eyes at him. Drammatic talaga itong lalaking ito. "Wala na. Nabaon na sa utang."

Ngumisi naman sa akin si Clide. "Kapag wala ka ng pera, nakikita mo 'yon?" Itinuro ni Clide ang gawi mo, Ford. Hindi ko nga alam kung ano'ng binabalak niya noong time na 'yon, eh.

Lumingon naman ako. "Sino, si Justin o 'yong isa pang lalaki?"

"Kilala mo siya, Lara. Huwag ka nga. Si Guivara."

Tumango ako. ""Oo, kilala ko siya. Bakit?"

Yumuko naman siya at bumulong sa akin. Ako naman, nakapako pa rin ang paningin sa 'yo, Ford na nakakunot na ang noo. Halos manigas ako at nanlalaki ang mga mata dahil sa binulong sa akin ni Clide. "Effective 'yon. Promise. Hindi ka niya isusumbong kapag nalaman niya. Sa sobrang bait niyan, baka tulungan ka pa niya," pagkatapos ay tumawa siya. "'Di ba, bro?" Kinawayan pa kayo na lumapit na sa amin.

Si Justin na kasama mo ay ngumiti pa sa akin. "Hi, Lara! May grahamball ka pa? Puwedeng pabili? Favorite na kasi 'yan ng little sister ko, eh. Sobrang sarap daw."

"S-sure." Halos hindi ako magkandaugaga sa pagkilos dahil sa presensiya mo. Ano ba kasi ang ginagawa n'yo roon kanina?

"Ako na nga." Inagaw na ni Clide ang bag ko dahil halos hindi ko makuha ang nilagay ko roong garapon ng grahamball. "Oh." Pagkatapos ay inabot niya kay Justin.

Justin received the jar and warmly smiled at me. "Ako na ang kukuha, Lara, ah. Don't worry, hindi naman kita dadayain."

"Baka pumapak ka pa, ah," Clide remarked.

I nodded at Justin. "I know, honest ka naman, eh. Hindi gaya ng isa riyan." Sinide eye-an ko pa si Clide.

"Dapat hindi mo pinakuha 'yang si Justin. Hindi pa naghuhugas ng kamay 'yan, eh. Tapos kagagaling lang namin sa CR."

Napahinto naman ang kamay ni Justin na ipapasok na sana niya sa garapon.

"Oh, ba't hininto mo, bro? Guilty ka, 'no? Dapat kasi huhugasan mo muna bago mo ipasok."

Kumunot lang ang noo ni Justin kay Clide. "Don't trust him, Lara. You know him, full of nonsense."

"Oy! Totoo kaya 'yon."

Natigilan naman ako nang kinuha mo ang garapon kay Justin at inilagay sa bag mo. "Ako na ang bibili nito. Magkano ba?"

Napakurap-kurap ako at medyo natulala pa. Bakit kasi ang straight ng tingin mo sa akin noong time na 'yon, eh.

"Ah... mga 100 lang."

"Alright." Walang pasabi kang nag-abot ng isang libong papel sa akin. Iyong bago pa talaga, ah.

"Ay! Wala akong paukli, eh. Paabot mo na lang kina Clide o Justin 'yong bayad mo."

Sumimangot ka tapos bigla mong hinawakan ang kamay ko. Parang aatakihin naman ako sa puso nang nagdampi ang mga kamay natin. SBakit parang ang lambot at ang soft ng kamay mo? Ang gentle pa ng pagkakahawak mo sa kamay ko. Hindi naman ako fragile, eh.

Napakurap na lang ako nang nilagay mo roon 'yong bagong 1,000 bill. Napatitig ako roon tapos sa 'yo.

"Keep the change," you smiled at me at halos huminto ang pagtibok ng puso ko. Kulang na lang tumunog sa utak ko 'yong kumakalat sa Tiktok na sound introduction ng palabas na "She's Dating the Gangster".

Nahinto lang ang imagination ko nang humirit si Clide ng "Ang galanti, ah. Tapos ako hindi mapautang ng fifty. May favoritism dito? Hindi porke cute si Lara, mas malaki na ang bigay mo sa kaniya. Ako kaya ang kaibigan mo."

Bumaling ka kay Ford at halos tumili ako sa reply mo. "Kapag naging kasing cute ka na niya, bibigyan kita kahit blank check pa."

"Sabi mo 'yan, ah. Lara, paano maging cute?"

Hindi ko na nga pinansin si Clide dahil nagri-ring pa rin sa utak ko 'yong boses mo at 'yong sinabi mo. Sa tingin mo ba talaga, cute ako?

Mukha man akong mababaw, pero parang first time ko yatang na-complement ng opposit gender, ah. Si Britney at ang nanay ko sa mga babae. Siyempre hindi ko kino-consider ang mga nagsasabi lang na maganda ako kasi wala silang masabi.

Anyway, hindi pa tapos ang kuwento ko, pero masakit na ang kamay ko kasusulat, eh. Basta, paglabas ni Britney na hinihintay n'yo pala, nag-offer siya na ihatid ako. Tatanggi sana ako, pero wala namang makakatanggi halos sa power ni Britney. Plus, niyaya mo rin ako, so bakit pa ba ako tatanggi. Pinipilit na rin naman ako nina mama na makipagkaibigan daw. Ayaw nilang maniwalang may kaibigan na ako dahil wala raw akong dinadala sa bahay namin, at nale-late lang akong umuwi dahil sa library o ibang trabaho ko at hindi dahil sa mga kaibigan. Mga magulang ko lang yata ang nagsasabi sa mga anak nilang bumarkada, eh. Pero siyempre nire-remind pa rin nila kami na sa tama makipagkaibigan at huwag sa mga masasama ang magiging impluwensiya sa amin. Ang masasabi ko lang, today is the best day of my college days.

Your thief na masaya pa rin hanggang ngayon kahit na madaling araw na

Lara Alexa

PS.

Malamang bukas ko na maibigay 'tong dalawang letter ko.

PPS.

Because of you, halos hindi ko na maalala ang mga iniisip o ino-over think ko. Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon