The 19th

14 9 0
                                    

Hay, Ford!

Nakakainis! Minsan maiinis na ako sa PAGASA kahit na hindi naman talaga nila kasalanan ang mga bagay-bagay. Kung bakit naman kasi kapag sinabi nilang uulan kinabukasn, ang lakas ng sikat ng araw. Kapag naman sinabi nilang aaraw, sobrang lakas ng ulan. Kaya nga hindi ako nagdala ng payong, eh. Sabi kasi ng PAGASA sa balita na hindi raw uulan ngayong araw. Malay ko bang paasa sila. Tuloy, basang-basa sa ulan ang ganap ko. Pumasok ako sa university na nanginginig pa at parang basang sisiw. Buti na lang at hindi ko dala ang lahat ng gamit ko. Kung hindi, mas mahihirapan pa ako sa biyahe. Baha pa sa kalsada tapos iyong ibang sasakyan ayaw magpasakay. Sakalin ko sila minsan, eh.

Bad trip pa 'yong buwisit na tricycle driver na akala mo kung sino mag-drive. Naputikan pa 'yong paa at uniform ko. Hindi pa marunong mag-sorry. Hindi lang talaga ako eskandalosa gaya ng ibang estudyante na binigyan pa ng middle finger si kuyang driver.

Okay lang siguro kayo, 'no? Naka kotse naman kayo, eh. Iba na talaga ang RK. Nag-chat nga sa akin si Britney kanina, eh. She was asking kung gusto kong sumabay, pero tumanggi na ako. Nakakahiyan naman, eh. Isa pa, ihahatid ko pa 'yong ibang mga kapatid ko sa school nila. Ayaw kong maabala pa si Britney. Hindi ko naman puwedeng pabayaan na lang ang mga 'yon.

Thank God na lang at nakarating ako sa university nang maayos at ligtas. At least walang aksidente sa way namin at okay mag-drive ang driver. May narinig kasi ako sa hallway kanina na mayroon daw naaksidente sa kabilang kalsada papuntang university, eh. May nagkabungguan daw na dalawang sasakyan tapos may nasagasaan pa at nadamay na nasa gilid lang daw. Hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon o kung totoo ba, eh. Hindi ko rin naman alam ang buong details dahil ayaw ko namang makinig pa sa usapan ng ibang tao. Ang dami ko pang dapat gawin.

Your thief na thankful kay Lord

Lara Alexa

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon