The 11th

16 10 0
                                    

Hay, Ford!

Thank you ulit sa food, ah, kahit hindi mo naman alam na kinuha ko 'yon. Para kanino kaya 'yon? Sa nililigawan mo ba? Wait, may nililigawan ka ba? O baka naman para sa 'yo 'yon? Puwede rin namang para sa pamilya mo, kapatid, pinsan parents mo ganoon. Ikaw ba nagluto niyon? Ang sarap kasi talaga, eh. Hinding-hindi ko malilimutan.

Alam mo bang madalas kitang sinusundan? Well, ngayon alam mo na. Mabuti na lang at 'di mo nababasa 'to kasi naman parang sobrang creepy ko na. Imagine, para na akong stalker mo, ninanakawan kita ng mga gamit, tapos ginagawa pa kitang living diary or journal. Whatever. Sana lang talaga hindi mo 'to alam. Sana hindi ka aware. Tsaka na lang ako aamin mga after ten years siguro. Pupuntahan kita kapag mayaman na ako. Hahahaha!

Naaalala mo pa kaya ako? Hmmm... siguro hindi na, 'no? Gaya nga ng sinabi ko sa 'yo sa mga nauna kong letter, schoolmates tayo noong high school, senior high to be exact. Niligtas mo ako noon. Sana naaalala mo pa. Hindi man ako, kahit 'yong pangyayaring 'yon na lang. That incident really changed my life. Na-realize kong may mababait pa talaga rito sa Earth. Hindi pa rin kita napapasalamatan sa pagligtas mo sa akin. Mabuti na lang talaga at nakita ko noon 'yong ID mo bago ako mawalan ng malay. Kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Baka hindi ko 'to ginagawa ngayon. I have no way of knowing who you are. Thank you, ha? Thank you very much for saving and freeing me from that room. Nakakahiya man pero may takot ako sa madidilim na lugar pati na rin sa masisikip. I don't know why. Wala naman akong naaalalang may nangyari sa aking traumatic noong bata. Iyon na nga, nang sumara 'yong pinto ng room na 'yon, parang na-activate 'yong trauma or fobia ko. I don't know actually. Hindi ko nga kasi talaga alam ang cause niyon, eh. Mabuti na lang at dumating ka roon. Naparaan ka lang ba? Narinig mo ba ang sigaw ko? I want to know your side too. Sana dumating ang pagkakataong mapagkuwentohan natin 'yon. Just to remember the first time we met each other.

Your thief na nagre-reminisce,

Lara Alexa

PS.

Wala akong kinuha sa mga gamit mo ngayon. Gusto ko lang talaga makipag-communicate sa 'yo kahit na may 90% na hindi mo 'to binabasa. At least may napaglalabasan ako ng mga saloobin ko. Wala kaya akong nakakausap. Ikaw lang sa form nga lang ng letter na 'to, pero okay lang 'yon. At least nga mayroon, 'di ba? Kaysa naman sa wala. Sige na nga. Hahaba na naman 'to, eh. Bye! See you next letter.

Naks! Akala mo naman nagkikita talaga.

PPS.

Ang guwapo mo sa picture mo sa school paper. Feaniture ka pala nila? Hindi ko pa nababasa 'yong buong interview, eh. Tinitigan ko pa lang 'yong picture mo. Okay. Tama na. Alam kong sobrang creepy ko na sa mga pinaglalalagay ko rito.

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon