The 2nd

18 11 0
                                    

Hay, Ford!

Kumusta? Alam mo nagulat ako nang lumipas ang mga ilang araw na walang Ford na lumalapit sa akin. Wala ring nagreklamong may nawawalang gamit. Hindi ko tuloy alam kung wala lang sa 'yo ang mga gamit na kinuha ko o hindi mo lang binasa 'yong una kong letter kaya hindi mo alam. Siguro pareho.

Anyways, kaya ako may letter ulit kasi alam mo na... kukuha ulit ako. Huhuhu! Pasensiya ka na talaga. Siguro iniisip mong ang useless ng paghingi ko ng pasensiya kung sinasadya ko naman at inuulit ko pa. Ayaw ko naman talagang gawin 'to, eh. Wala na lang talaga akong ibang source of income.

Minsan iniisip ko na lang mamalimos para lang sa pera. Siguro ikaw wala lang sa 'yo ang pera, pero para sa mga katulad kong anak mahirap, mahalaga na sa amin ang piso.

Mayroon naman akong ibang source of income, eh. Kung kilala mo ako, dapat alam mong ako ang tindera ng batch natin. Nagtitinda ako ng mga school supply at iba pa. Depende 'yon sa kinakaya ng kita ko. Minsan nagbebenta ako ng mga sweets like pastillas, yema, graham ball, at kung anu-ano pa. Nagtu-tutore din ako sa ilang ka-batch natin. Madalas na rin akong tagagawa ng mga assignment at project basta may bayad, ha. Kung gusto mo puwede ka ring magpagawa sa akin, but I doubt na kakailanganin mo ang serbisyo ko. Ikaw nga yata ang isa sa pinakamatatalino sa atin, eh.

Hindi rin naman maganda ang tagagawa ng mga assignment at project kasi parang tino-tolorate ko ang mga ayaw gumawa at tamad, pero anong magagawa ko? Kailangan ko ng pera at kailangan nila ng maipapasa. Ginagamit ko lang naman ang mayroon ako para kumita. Siguro mali para sa iba, pero mas okay naman na ang mga trabahong 'to kaysa naman sa iba pang trabaho na hindi na kakayanin ng konsiyensiya ko, 'di ba?

Uy, shhhh ka lang sa trabaho kong tagagawa ng mga assignment, ha? 'Yong sikat na MVP na si Clide Ramirez, suki ko 'yon pati na rin 'yong tropa niya. Busi kasi ang mga 'yon sa practice kaya halos wala nang time gumawa ng mga assignment. Mababait naman ang mga 'yon. Halos close ko na rin sila. Pati 'yong isang member ng sweeming team na si Kyle na nakalimutan ko 'yong last name, suki ko rin.

Kung may suki akong mababait, mayroon din namang mga hindi ko mawari ang mga pag-uugali. Kung utusin ako, akala mo binabayaran nila buong pagkatao ko. Kung makapanlait wagas. Nakakasama kaya ng loob ang mga 'yon. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila kahit na alam ko namang hindi totoo karamihan sa mga 'yon. Mga bully ang karamihan sa mga 'yon, eh.

Hay! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ko pagtyatyagaan ang mga 'yon. Sana lang talaga matuto ang mga 'yon ng magandang asal at mabuting pag-uugali. Mga college student na pero kung makaasta daig pa elementary.

Anyways, sorry kung nagreklamo na ako. Baka feeling mo ang toxic na ng letter na 'to. Hindi ko lang nakontrol kamay ko sa pagsusulat.

Kukuhain ko 'tong I pad mo, ha? Huhuhu! Sobra na talaga 'to, alam ko, pero hindi sapat ang mga kinikita ko sa pambayad ng mga kapatid ko sa school nila. Ayaw naman ilipat nina nanay sa public. Well, kung ako rin naman, ayaw ko rin. Ang ganda na ng lagay ng mga kapatid ko sa current school nila, eh. Mas mahihirapan lang sila kung lilipat pa. Tsaka alam kong magkaiba ang atmosphere sa public school at private. Alam ko kasi nanggaling na ako sa pareho. Nasa public school ako noong elementary hanggang junior high. Ginamit ko 'yong voucher ng Dep Ed noong senior high at scholar naman ako ngayong college kaya nasa private school ako.

Alam mo na, ha? Babayaran kita kapag nakaluwag-luwag na ako. Hindi ko nga lang talaga alam kung kaylan ang panahong 'yon pero basta, magbabayad din ako.

Your thief,

Lara Alexa

Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon