Hay, Ford!
Hulaan mo kung ano ang kinuha ko ngayon. Ay siyempre alam mo na. Malamang nakita mo na ang mga gamit mo bago mo pa 'to basahin, kung binabasa mo nga 'to.
Ang ganda ng purse, ha? Seryoso ba 'yong si Sidney? 'Yon ang regalo niya sa 'yo? Pambabae 'yong design, eh. O hindi man 'yon pambabae pero basta. Parang masyadong girly 'yong design. Kaya 'yon ang kinuha ko. Hindi naman bagay sa 'yo, eh. Tsaka hindi mo naman ginagamit. Matagal na 'yong nakatambak lang sa bag mo. Palagi ko kayang mino-monitor mga gamit mo. Memorize ko na nga mga laman, eh. Alam ko kung kaylan ka nagkakaroon ng bagong gamit. Para sa college student, masyado kang maraming dala. Pero okay na rin 'yon para may choices ako sa mga kukuhain ko. Ayaw ko kayang kuhain 'yong mga may value sa 'yo. Ibebenta ko lang naman, eh.
Anyways ready ka na ba sa exam? Kailangan mo pa bang mag-review? Matalino ka naman, eh. Pero siyempre nagre-review ka naman, 'di ba? Ako, hindi ko alam. Kulang pa yata ang twenty four hours para sa mga ginagawa ko. Dahil malapit nang matapos ang sem, ang taas ng demand ko. Hahahaha! Ang daming nagpapa-tutore at nagpapagawa ng kung ano-ano. Hinuhuli ko na nga 'yong akin, eh. Kaloka! Kahit hindi natin ka-course nagpapagawa na rin. Hindi ko alam kung magandang bagay 'yon o hindi, eh. Maganda in a way na marami akong kita. Galanti naman mga customer ko, eh. Willing magbayad nang malaki basta maayos gawa ko sa mga kailangan nila at on time. Ginagawa ko mapa-essay pa 'yan, tula, kahit na anong article, drawing, painting, computations, mga sinasagutang kung ano-ano, researches, academic papers, at kung ano-ano pang project. Pero hindi 'yon maganda kasi nasasakripisyo 'yong health ko. Halos hindi na ako kumain at less than four hours na lang halos ang tulog ko. May pasok pa kasi ako sa isang maliit na diner after class, eh. Kung sa bagay, kailangang magtiis para sa kita, para sa kinabukasan. Sana nga lang mapasa ko 'tong sem na 'to. Nagpapasa naman ako on time, pero siyempre mas inuuna ko 'yong para sa mga customer ko. Minsan, ginagawa ko na 'yong akin hindi pa man ina-announce ng mga prof natin. Tinitingnan ko kasi 'yong module sa school website, eh. Ginagawa ko na rin 'yong para sa mga suki kong kaklase at ka-batch natin sa same department. Pero 'yong mga taga ibang department, 'yon ang problema ko. Hindi ko naman kasi field 'yong ilan doon. Akalain mong may nagpapagawa sa akin ng program? As in? IT student 'yon, eh. Hindi ko maintindihan kung bakit sa aking business student siya nagpapagawa eh siya 'tong IT student. Well, in the first place, kung kaya niya 'yong gawin, hindi naman siya lalapit sa akin. Sinubukan ko naman. Nag-search ako ng tungkol sa mga program program na 'yan. Nag-aral ako ng programming, mga codes ganoon. Nag-search lang ako at tinuruan ko sarili ko, pero ang hirap talaga, ford. May mga naiintindihan naman ako sa mga explanation lalo na kapag nagsimula ka sa pinakasimula ng lesson sa programming, pero kapag ina-apply ko na, ang hirap na. Hindi ko na alam kung ano'ng pinaggagagawa ko. Mas mahirap pa dahil mababala lang ang capacity ng gamit kong laptop. Second hand lang naman 'to, eh. Nagloloko na nga. Gusto na yatang magpapalit eh wala naman akong pamalit sa kaniya. Hindi ako makapag-download ng mga kailangang software para sa programming na 'yon. Nagpaturo ako roon sa IT student na 'yon ng programming, pero mukhang mas natuto pa yata ako sa kaniya sa pagse-search at pagse-self study ko. Kaloka! May architecture student ding nagpagawa sa akin ng plates. Na-stress ako. Ano kaya'ng akala nila sa akin? Kaya ang lahat? Sino ba ang nagpakalat na gumagawa ako ng mga assignment at project for price? Greatful ako sa customer, oo, pero putek pati taga ibang department problema ko na rin. Masaya akong natututo ako, pero hindi ako masaya sa stress.
Sana lang sa mga nangyayari sa akin, makapag-review pa ako. Feeling ko naman may maisasagot ako sa exam kahit na walang review, pero hindi ako confident na mataas ang makukuha ko. Kailangan kong ma-maintain particular grades or else mawawala ang scholarship ko, and I don't want that to happened so I really need to review. Good luck to me.
How about you, Ford?
Your thief,
Lara Alexa
BINABASA MO ANG
Hay, Ford (The One Hundred Trilogy 2)
Short StoryOn going Second book of The One Hundred Trilogy Epistolary Alexa's 100 letters to Ford