Chapter 2- I miss you

327 3 1
                                    

"Please na kasi patawarin mo na ako, hindi naman kasi kita nakilala kasi nga ibang iba na yung itsura mo kesa noon."my god diko lang pinapansin kung makapag paliwanag kala mo naman ang laki nung kasalanan nya, chariss gusto ko lang talaga syang asarin haha.

"Alam mo gutom lang yan,"iritang ani ko.

"Fine!"wow sya pa galit."Let's eat first,"dagdag nya.

"Tatanongin kita, bakit bigla kang nawala noon alam mo ba na sobrang lungkot ko noon dahil yung mukhang tipaklong kong kaibigan iniwan ako!"sigaw ko sa kanya, hindi ako galit sa lagay na ito, nag tatampo lang haha.

"Sorry, eh kasi sila mommy, biglaan ko lang din nalaman na aalis pala kami, pupunta kami sa New York, hindi na ako nakapag paalam sayo kasi paalis na kami nung araw kung kailan ko nalaman na pupunta na kaming New York."paliwanag naman nya.

Mayaman din sila Tadashi, malaki din ang kompanya nila, magkaibigan ang mommy ko at mommy ni Tadashi, nakilala ko lang sya nung grade 5, because his in New York, his mother transfer him here in the Philippines, kasi dito na raw muna sila.

"Okay."malamig na sagot ko.

"Pinapatawad mo na ako?"umaasang tanong nya.

Tango lang ang sinagot ko, at ayun si loko nag tatalon na akala mo naman nanalo sa luto,charizz

Ilang minuto pa kami nag usap at marami akong nalamang tungkol sa buhay nya sa New York gusto nyo banag malaman mga marites, sige kwento ko, pero mamaya na kasi dadating na yung prof namain baka masigawan na naman ako,charizz

'DISCUSS'

'DISCUSS'

'DISCUSS'

Oh ayun na nga pag katapos ng mga klase ay ayun na tapos na.

Na lalakad na ako sa hallway para lumabas na kasi malamang ako kanina pa nag aantay ang aking driver.

May nalaman ako.

Itong lintek na tipaklong na ito ay ayun nag palipat sa section kung san ako naroroon, tapos sakin pa sya pinatabi nung prof namin, so ayun wala syang ginawa kung hindi bwesitin ako, kaya buong klase ay inis na inis ako.

Pero bago pa man ako makasakay sa kotse, may humarang sakin.

Sino pa? edi itong tikpaklong na ito.

"Why?"i ask uninterested.

"Since it's 3 p.m can we just go somewhere,"aya nya.

Alam talaga nag tipaklong na ito kung ano ang kahinaan ko.

Gwapo si Tadashi matangkad, maputi, matangos ang ilong, basta perfect sya para sakin, hindi lang pala para sakin kasi pinagkakaguluhan din sya dito sa school ang sama sama nga ng tingin sakin ng ibang babae, hindi ko nalang pinapansin.

"Okay." I said.

Bago kami umalis nag paalam muna ako sa driver ko na mamamasyal lang kami, medyo gagabihin din at sabi ko kasama ko yung anak ng kaibigan ni mommy.

"San ba tayo pupunta?"tanong ko.

"Basta."

Sumakay na kami sa kotse nya at nag simula na syang mag maneho.

Nakatingin lang ako sa labas, ngayon ko lang nadaanan ito, hindi rin ito papunta ng mall, ibang daan itong tinatahak namin.

Hindi naman kasi ako pala-labas ng bahay kaya hindi ko alam kung san patungo itong daan na ito, pag pumupunta naman ako ng mall, may kailangan lang akong bilhin o kaya nag aaya yung mga pinsan ko, minsan lang ako mapunta ng mall dahil nakakatamad pumunta pag mag-isa ka lang, tuwing umuuwi dito ang mga pinsan ko ay nag-aaya sila pumunta ng mall o kaya minsan swimming lang kami sa bahay, hindi rin kami nakakapag travel dito sa pilipinas, kasi puro sa ibang bansa kami nag tratravel, napuntahan ko na ata lahat ng bansa, bata palang kasi ako nagtratravel na kami.

Tired Chasing You (ON-GOING) Where stories live. Discover now