"narinig mo na ba ang balita na meron daw bagong
student na lumipat dito."saad ng mga babaeng nagkalat sa hallway.New student, sino naman?
In fairness ang mga marites ang bilis makasagap ng chismiss.
"Oo at narinig ko pa na sobrang gwapo daw."sabi naman nung isang babae.
Hoy! Gwapo daw mga mare! Goshh baka sya na ang bubuo ng puso ko! Charott! Loyal ata ako! Dun lang tayo kay baby Dwight ko!
"Hindi ko mapigilang mainlove sa kanya."kinikilig na ani nito.
"Hay.. Winter Dwight Chavez, I'm so inlove with you."nagulat ako ng marinig ang pangalan na binanggit nito.
Dwight ang kapatid ni Dj.
Ibig sabihin nasa iisang school nalang kami.
May chance na magkalapit kami.
Kinilig ako bigla.
"Bulaga!"
"Ahh!!"sigaw ko.
Narinig ko namang tumawa sila.
"What the hell, why did you do that!"inis na sigaw ko.
Tumawa naman sila."Kanina kapa kasi tulala."saad ni Dash.
Nakitawa narin ai Dj.
"What?"inis na tanong ko.
"Kanina ka pa namin kinakausap pero hindi ka nagsasalita at parang napakalalim ng iniisip mo."saad pa nito.
"What!"i asked again.
"What?watawat."tumatawang saad nito.
"Ugh. Bwesit!"sigaw ko at iniwan silang dalawa dun.
Pumasok na ako sa classroom at nakita ko naman na tumatawang pumasok ang dalawang nagkasundo na gulatin ako.
"Can you shut up!"inis na sabi ko.
"Can you shut up"gaya naman ni Dash sa tono ko.
Sinamaan ko sya ng tingin at hindi na umimik.
Sakto namang dumating ang aming professor.
"Good morning class,"bati nito pagkapasok."our lesson for today is basic calculus."sabi pa nito.
Nag simula na itong mag klase at ngayon ay nagtatanong tanong na sya.
"Ms. Mondragon."tawag nito saakin, tumayo naman ako.
Pagtayo ko ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko biglang sumakit ang dibdib ko.
"Ms. Mondragon are you okay?"tanong ng prof namin.
"O-okay l-lang p-po a-ak-."hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Everything went black.
–
Dash p.o.v
Nakita ko si Abi na biglang humawak sa kanyang dibdib.
What's happening to her?
Tanong ko sa isip ko.
Hindi na natuloy ni Abi ang kanyang sasabihin ng bigla itong nawalan ng malay.
"Abi!"sigaw ko.
Agad kaming lumapit ni Dj kay Abi at ginigising ito.
"Abi, wake up."usal ni Dj.
"Dadalhin ko lang po sya sa clinic."sabi ko kay prof.
"Mabuti pa ngang dalhin nyo na sya."sabi naman ng prof namin.