Chapter 22 - Vacation 2

84 0 0
                                    

Nandito ako sa loob ng aking suite. Nakatutok ako sa laptop ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito habang nananatili ang tingin sa aking ginagawa. Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?"sagot ko sa tawag.

"Girl! Sumama ka ba kung balak mo lang naman palang magkulong diyan sa kwarto mo!"nailayo ko ang cellphone sa tenga ng dahil sa lakas ng boses nya

"Tss, I'm just checking my up coming party next week."inis na sagot ko.

"Bumaba ka na dito anong oras na?! Alas dos na ng hapon dika pa bumababa!"saad ulit nya.

"Fine."saad ko at binaba ang tawag.

Nag tungo ako sa cabinet at pumili ng swimsuit.

Napili ko nalang ang white two-piece swimsuit. Agad akong nagtungo sa banyo upang magpalit.

Nag-ayos pa ako sandali at lumabas na. Tinali ko din ang mahabang buhok ko.

Sumakay na ako sa elevator pababa. Nang makababa ay agad akong nagtungo sa dagat. Pagkalabas ko ay agad kong hinanap si Dj.

Agad ko naman nakita ito sa dagat at lumalangoy na.

Nakasuot ito ng red one-piece swimsuit. Bagay na bagay sa kanya dahil litaw na litaw ang kaputian nya.

"You look good!"sigaw nya bigla

"You too."saad ko at lumapit sa kanila.

Napatingin ako sa iba pang kasama namin. Si kuya Niel ay naka suot ng beach short, habang walang pang-itaas na suot. Kaya makikita mo ang paglalaway ng ibang babae sa ganda ng katawan nito, dahil kitang kita ang anim na pandesal nito.

Si Dwight naman ay nakasuot ng beach short at wala ring pang-itaas kaya kita din yung masasarap na pandesal. Sa sobrang puputi nila kulang nalang kunin na sila ng araw. Sila tito naman ay nasa tabi ng dagat.

"Abigail Beatrice Mondragon!!"napabalikwas ako sa biglaang pagsigaw ni Dj.

"The fuck! Dorothy!"inis na saad ko.

"Maganda ka nga sexy ka! Pero lagi kang tulala!"saad nya.

"Okay I'm sorry!"inis pa rin na saad ko.

"Ano ba iniisip mo at lagi kang tulala?"tanong na nito sa mahinahon na boses.

"Nothing."maikling sagot ko.

"Let's play volleyball."aya nya.

Tumango naman ako at tumayo na.

"Ate, mga kuya! Let's play volleyball!"sigaw nya sa mga ito.

"Ate Lyka samin ka."baling ko kay ate Lyka.

"Hey! Ang daya kung sa inyo si Lyka hindi patas! Samin si Lyka."singit naman ni Kuya Niel.

"Samin sya kuya!"pakikipagtalo pa ni Dj sa kuya nya.

"No! Samin sya!"sagot pa ni kuya Niel.

"Can i join?"napalingon kaming lahat sa nagsalita.

"Dash!"sigaw ni Dj.

Nakasuot din sya ng beach short at topless din sya.

"Hi,"bati pa ni Dash kay Dj.

Napaiwas naman ako ng tingin. It's time to act again!

"Sure you can join us."singit naman ni kuya Niel.

Napatingin ako sa gawin kung san nandun si Dwight, nakita ko na nakatingin ito kay Dash.

"Girls vs boys tayo!"sigaw ni Dj.

"Sure!"sabay na sigaw ng mga boys.

Ang daya nila! Masyadong attractive yung mga masasarap na pandesal nila!

Tired Chasing You (ON-GOING) Where stories live. Discover now