Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya.Oo nandito ako ngayon sa loob ng kotse nya! Pinagtalunan pa namin kanina yung tungkol sa sasakyan. Si Naureen naman di ako tinulungan.
FLASHBACK
"May kotse kaming dala kaya mag sari sarili nalang tayo."sagot ko.
Nakasakay na kami sa elevator ngayon at inaantay nalang na bumukas ito.
"What?"tanong nito.
"Mag sari sarili nalang tayo kasi may dala naman kaming sasakyan."saad ko.
"No!"nagulat naman ako sa biglaan na pagsigaw nya.
Wag mong sabihin na pa aawayan pa namin iyon?!
"Anong no?"takang tanong ko.
"Sakin ka sasabay."saad lang nya.
"May sasakyan akong dala kaya dun nalang ako susundan ka nalang namin."sagot ko sa kanya.
"Malayo ang batangas kaya sakin ka na sasabay."saad pa nya.
"Okay lang yun."saad ko.
"Sakin ka na sasabay."pilit pa nya.
"Gusto ko magmaneho."usal ko pa.
Lumabas na kami ng bumukas ang elevator nag tungo na ako sa aking sasakyan. Habang si Naureen naman at nagtungo sa sasakyan nya. Madapa sana ka sana. Pano ba naman hindi inaalis ang tingin sa cellphone habang naglalakad.
"Ay palaka!"napalingon ako kay Naureen ng sumigaw sya.
Nakita ko na hawak nya ang kanyang paa.
"What happened?"tanong ko sa kanya.
"Natapilok ako ang sakit."daing pa nya.
Hindi ako may kasalanan ah sya yun kasi di sya tumitingin sa daan. Tsaka sabi ko madapa hindi matapilok.
"Kaka—"hindi ko pa man natutuloy ang sasabihin ko ng putulin nya ito.
"Kaka cellphone ko ito!"haha buti alam mo.
Tinawanan ko naman sya kaya ang gaga sinamaan ako ng tingin.Umayos sya ng tayo at binuksan ang pinto ng kotse nya bago pumasok sa loob.
"Your coming with me."napalingon ulit ako kay Dwight ng magsalita sya.
"Dwight may kotse ako. Ayokong iwan ito dito."saad ko.
"Ipapahatid ko nalang sa condo mo."saad nya.
Mukhang walang balak magpatalo ang gagong ito. Malakas akong bumuntong hininga.
"Fine."sagot ko. Ngumiti naman sya sakin at inalalayan ako na papunta sa sasakyan nya. Tumunog ang sasakyan nya senyales na bukas na ito. Binuksan nya ang pinto sa front sit. Kaya naman pumasok na ako doon. Pagkasara nya ng pinto ay umikot na sya para pumasok sa driver sit.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Naureen na sundan ang kotse ni Dwight.
Nang makapasok sa driver sit ay sinimulan na nya na paandarin ang sasakyan nakita ko naman sa rearview na sumusunod na ang sasakyan ni Naureen.