Chapter 29

291 4 0
                                    


Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming naghanda para makapunta na sa hospital na pagmamay-ari ng kaibigan ni dad.

Andito ako ngayon sa kwarto ko habang naga-ayos ng gamit na dadalhin ko sa hospital.

Hindi ko maiwasan na malungkot, para sa pamilya ko.

Ayoko man na makita silang malungkot at marinig sila na umiiyak, wala akong magagawa dahil kapalaran na mismo ang may gawa nito.

Napalingon ako sa pinto ng biglang may kumatok.

"Come in!"sigaw ko at sinara na ang dadalhin kong bag.

Bumukas ang pinto senyales na may pumasok.

"Mom."tawag ko.

I saw her teary eyes, and it's hurts to see her like that.

"Anak... Be strong anak.. lumaban ka... Pakatatag ka.."saad nya at tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya.

"Mom, i want to... But this is my destiny.."tumulo na rin ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Anak... Please lumaban ka... Pero pag p-pagod ka na sabihin mo sakin.. s-sasamahan kitang mag pahinga... Hindi tayo susuko."I'm so lucky to have my mom.

Nakapunta na kami sa hospital at nandito na ako ngayon sa private room. Malaki sya parang apartment narin. May tv may mini ref, sofa. Para ka na rin nasa bahay.

At kulay brown ang theme nya. Maganda sya. Para kang wala sa hospital. Dahil para ka lang nasa bahay.

Ako lang mag-isa dito ngayon. Bumili ng pagkain sila. Sila ate naman aalis na ulit dahil sa mga business nila na naiwan, pati din si kuya. Sila mommy alam ko na aalis na rin sila, kahit na hindi pa nila sinasabi sakin.

Napatingin ako sa side table, ng tumunog ang cellphone ko. Nakaupo kasi ako sa hospital bed, nakasandal sa headboard.

"Yes? Dj"mangangamusta to for sure.

"Kamusta ka na? Ayos lang ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Kumain ka na ba? Ano sabi ng doctor? Maayos na ba pakiramdam mo? May donor ka na ba?"sunod sunod na tanong nya.

Grabe! Kailan kayamauubusan ng tanong itong bruha na ito?! Pero huhu i appreciate it, meron akong sobrang bait na kaibigan.

"Relax! Isa-isa lang, mahina kalaban!"pabirong saad ko.

Ayoko na syang mag-alala ng sobra.

"Che! Sagutin mo nalang!"abat! Galit pa.

"Fine.. okay lang ako.. oo kumain na ako, oo may donor na ako."saad ko.

Sorry... Patawarin mo ako...

"Talaga! Kailan operation mo?"masiglang tanong nya.

Nangilid naman ang luha ko... Hindi ko kayang mag sinungaling sa kaibigan ko... Pero ayoko na masaktan sya, mag-alala sya.. alam ko naman kasi na malabo na magkaroon ako ng Heart donor.. sino ba naman ang taong handang mamatay maibigay lang ang puso nila sakin?

"Dj.. tatawagan nalang ulit kita ah, nagugutom na kasi ako kakain pa ako."i lied.

"Ah ganon ba? O sige. Kumain ka ng mabuti! Magpagaling ka! At higit sa lahat maging matatag ka!"I'll try.

"Sige bye!"pinasigla ko ang boses ko para hindi nya mahalata na malungkot at nagsinungaling lang ako.

Hindi naman talaga ako nagugutom. Ayoko lang talagang sagutin ang tanong nya.

3 pm na ng hapon dito ngayon. Nandito ako sa couch nakaupo habang nakatingin sa aking laptop. Ang sakit! Ang sakit na masaya na makita mo yung taong mahal mo at yung pinsan mo na magkasama habang nasa tabi ng dalampasigan. Masaya ako para sa kanila. Masaya ako para sa pinsan ko. Masaya ako para sa taong mahal ko dahil nakabalik na sya sa taong tunay na nagpapasaya sa kanya.

Tired Chasing You (ON-GOING) Where stories live. Discover now