Nandito ako ngayon sa garden sa hospital dahil na bobored na ako sa loob ng kwarto ko. Napakabilis ng panahon, pero ni isang araw man na yun ay masasabi ko na nakakapagod, ang bawat araw na nag dadaan.Napapagod na ako. Gusto ko ng sumuko pero hindi ko magawa dahil malulungkot lalo ang aking pamilya at gusto ko pang makita na mangako sa isa't isa yung mga taong mahal ko. Sila Dwight at Nika.
Sa ngayon ay hindi pa rin tumatawag si Dj. Wala pa rin akong nakukuhang balita sa kanya tungkol kila Dwight. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa sya tumatawag. Isang linggo na ang nakakaraan, simula nung huli syang tumawag. Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng babaetang iyon at hindi sya napapatawag.
Well kung tatanongin nyo kung bakit ko gusto makakuha ng balita tungkol sa taong mahal ko... Gusto ko lang malaman kung kamusta na sila ng pinsan ko. That's all, and i thak you!
Ano na kayang nagyare sa kanya. Baka busy lang sya sa pag-aaral.
First year college na sya. Habang ako ay pinili na mag home study. Dahil gusto ko na habang lumalaban ako ay nag-aaral ako para madabayan ko sila Dj.
Hindi pala home study ang matatawag ko dun, haha dahil hospital study pala.
"Hi."bati ng isang baritonong boses. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at agad na nanglaki ang aking mga mata dahil sa taong nakatayo malapit sa akin.
"Mark!"masigla kong tawag sa kanya.
"Hey.. how are you?"nakangiting tanong nya.
"Okay lang ako. Ikaw ba?"tanong ko. Naupo sya sa tabi ko at may inabot na paper bag sa akin.
"Okay lang naman ako."nakangiting saad nya.
"Ano to?"kuryosong tanong ko.
"Your favorite."saad nito.
"Oww, thank you!"nakangiting saad ko. He never failed to make me smile.
Mark Oliver Santos, my friend. Nakilala ko sya dito din sa garden na ito. Simula nun ay lagi na kaming nag-uusap, lagi din syang dumadalaw sakin. Kaya ayun naging mag kaibigan na kami. Pinakilala ko sya kila mommy. Natuwa naman si mommy na may kaibigan ako na malapit sakin. Mabait sya, gwapo, makinis, maputi, matangos ang ilong, magandang pilik mata, magandang mata, kissable lips, maganda ang katawan, mayaman. Nasa kanya na lahat.
"Kailangan mo ng magpahinga."saad nito at tumayo.
Inalalayan nya akong tumayo at nag lakad na kami pabalik sa kwarto ko.
"Ang ganda mo."biglang sabi nya.
Inirapan ko naman ito. "Matagal ko ng alam."mataray na saad ko.
Natawa naman sya sa inasta ko.
"Yeah, matagal na.. matagal na din kitang mahal."may binulong ito ngunit hindi ko masyadong narinig dahil napakahina nito.
"Huh? Ano yung sinasabi mo?"nakakunit noong tanong ko.
"Matagal na kako, matagal ka ng maganda kasi sabi mo."hindi yun eh!
Hindi ko na sya sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Nang nasa tapat na kami ng pinto ay nagsalita sya.
"Andyan ba sila manang Mel?"he asked.
"I don't know, magkasama tayo hindi ba? Paano ko malalaman kung nandito sila?"sarkastikang saad ko.
"Tsk! Pilosopo ka pa rin! Kailan ka ba magbabago?"puta ang bilis talaga magbago ng mood nito! Parang yung kaibigan lang namin ni Dash nung mga bata pa lang kami.