Kinabukasan ay nagising sa sunod sunod na katok sa pinto.
"What!"sigaw ko.
Ngunit walang sumagot kaya naman bumalik nalang ako sa pag tulog.
Pero hindi pa man ako nakakatulog ng mahimbing ay may naramdaman akong humila sa paanan ko.
"Ahh... Multo!... Tulong!,tu-"sigaw ko ngunit natigil ng may tumakip sa bibig ko.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at agad na nag init ang aking ulo.
Kasi naman atong tipaklong na to, sya pala ang humila sa paa ko.
"Good morning lampa,"nakangiting bati nya, pero hinanpas ko sya sa braso."aray... Why did you do that!"gulat na sigaw nya.
"Alam mo ba na ang sarap ng tulog ko tapos bubulabugin mo lang ako!"inis na sigaw ko.
"Aba! Señorita male-late na po tayo,"saad nya.
Nagugulat naman akong nalingon sa aking orasan at boom late na nga kami.
Agad akong tumakbo sa walk in closet ko, at kumuha ng tuwalya.
Bago ako pumasok sa banyo ay narinig ko syang tumawa, hindi ko na sya pinansin at naligo na.
Pag katapos ko maligo ay nag bihis na ako sa walk in closet ko, pag labas ko nag ayus na ako at nag lagay ng kung ano ano sa katawan, nakita ko naman sya sa salamin at nakatingin sa mga picture frame.
Pag lingon ko sa kanya ay nakangiti sya.
"Nasasayo pa pala ang picture na ito?"tanong nito.
Umirap ako,"of course," ani ko."ano nga palang ginagawa mo dito?,at pano ka nakapasok dito? Lalong lalo na bakit ka nila pinapasok dito sa mansion?" Sunod sunod na tanong ko.
Ngunit ang tipaklong ay itinaas lang ang dalawang kamay na ani mong sumusuko na sa pulis.
"Easy, i will answer all of your questions but, one by one,"sabi na natatawa."sinabi ko sa kanila na kilala ako ng family mo, na kaibigan ng mommy ko ang mommy mo, at kaibigan mo ako,tinanong ko sa kanila kung gising kana, pero ang sabi nung katulong nyo ay hindi pa kaya sabi ko ako nalang ang mang-gigising sayo pero pag akyat ko dito ay naka lock ang kwarto mo kaya malakas akong kumatok at sumagot ka ng what, akala ko naman ay pag bubuksan mo na ako pero nakalipas ang ilang segundo wala pang nagbubukas kaya sabi ko sa maid nyo asan ang susi ng kwarto mo kaya ayun,pasensya na at diko nasabi sayo na susunduin kita, satisfied ka na, can we go now, we're late."ang haba ng paliwanag nya ah, dahil sa pagpapaliwanag nya ng sunod sunoday ayun sya at habol ang hininga, pero teka nawala sa isip ko late na kami tiningnan ko ang orasan ko at meron nalang sampung minuto.
"Tara na, bilis!"aya ko sa kanya.
Sampung minuto nalang ang meron kami, kaso ang byahe papunta ay 30 minutes, paktay tayo nan.
Bakit kasi hindi akp ginising ni manang.
Hindi na ako kumain sa bahay at sabi ko kay manag na dun nalang ako sa school kakain.
"Instead of 30 minutes make it 5 minutes!"sigaw ko kay Tadashi.
"Alright, but hold tight."he said.
Sabi ko 5 minutes pero 10 minutes parin ang naging byahe namin, pag ka park ng kotse ay agad agad akong bumaba at tumakbo papasok, hindi ko na sya hinintay, nauna ako, pero ito sya naabutan ako.
"Hey, Don't do that again." He said.
Hindi ko na sya sinagot at nag madaling umakyat.
Ngayong nandito na ako sa harap ng classroom, ay kinakabahan na ako.