Chapter 39

244 1 0
                                    


"Hindi ko ginagago ang pinsan mo."saad nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Eh gago ka pala eh! Ano tawag mo diyan sa ginagawa mo?!"naiinis na ako!

"Tsaka na natin pag-usapan yan. I need to go."aniya sabay tayo.

"Tangina! Curious na curious na ako tapos hindi mo pa sasabihin!"galit na sigaw ko sa kanya sabay tayo.

Nagulat naman sya sa inasta ko sa harapan nya.

"Abi... Malalaman mo rin lahat okay? Kaya lang..."pabitin ang pota.

"Kaya lang ano?!"inis na sigaw ko sa kanya.

"Kaya lang hindi pa sa ngayon."mukhang nahihirapan na syang magpaliwanag sakin. Nagtatanong lang ako! Gusto ko lang malaman ang lahat ng nangyare nung wala ako!

"Dwight please.. sabihin mo na sakin."naiiyak na saad ko. Tinakip ko ang dalawang palad sa mukha ko.

Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Shh.. stop crying. You will know but not now.. just understand me okay? I will tell you everything."he said while caressing my hair.

"Guling gulo na ako."i said almost whisper.

"Ipapaliwanag ko sayo lahat okay? Pero hindi pa sa ngayon."he said.

Tumingala ako sa kanya para makita ko ang mukha nya. Hinawakan nya ang pisnge ko at pinunasan ang luha ko.

Humiwalay ako sa kanya.

"Sige na. Umalis ka na."malamig na saad ko.

"Bye."paalam nya at lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya.

Akala ko ba move on na?! Bakit? Ano na naman ito?!

Ilang saglit pa ako nanatili sa living room at inubos ko muna ang aking iniinom bago ako magpasya na magtungo na sa aking kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nahiga. Hindi na kami kakain ng hapunanndahil bago kami umuwi kanina ay kumain na kami sa labas.

Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Kinuha ko ito at nakita ko na may text galing kay Ammy. And aking secretarya dito sa pilipinas.

From: Ammy

Good evening madame I'm sorry for interrupting your rest. But you need to go to the company tomorrow.

Sabi ko restday ko na ito. Bakit pagdating ko dito trabaho na naman.

Nag reply nalang ako sa kanya ng okay bago ako natulog.

Alas singko lang ng umaga ay nagising na ako. Nag ayos na ako ng aking sarili at lumabas na sa aking kwarto. Nadatnan ko si Naureen na nakaharap sa kanyang laptop.

"Oh saan ka pupunta?"tanong nya ng maramdaman ang aking presensya.

"Office."bored na sagot ko.

"Huh? Why?"takang tanong nya at tumingin sakin ng nakakunot ang noo.

"Nag text si Ammy sakin kagabi. Kailangan ko daw pumunta sa kumpanya."bored na saad ko at naupo sa bakanteng sofa.

"Sama ko?"tanong nya.

"Gusto mo bang gumala sa kumpanya ko ngayon?"tanong ko.

"Pwede?"tanong nya.

"Wala ka bang gagawin?"tanong ko sa kanya.

Tired Chasing You (ON-GOING) Where stories live. Discover now