It's been two days since matapos ang vacation namin. Masaya... Sobrang saya, at the same time masakit.. hindi pala lahat ng saya ay puro saya lang dahil pagkatapos mong maging masaya dudurogin ka naman.'i don't like you... I already have a girlfriend.. kahit na gusto ka ng parents at ng mga kapatid ko... Hinding hindi kita magugustuhan. Kung papipiliin ako kung sino ang mamahalin at mamahalin ko sa kabilang buhay... Isa lang ang pipiliin ko.'
Hiling ko lang naman mahalin mo din ako. Sawang sawa... Pagod na pagod na akong mahalin ka.
'yun ay ang taong mahal, minahal, at mamahalin ko... Ang taong nagpapasaya sakin ngayon...'
Yeah right she's the only one...
That you love..
Ang hirap maging tanga pag dating sa pag- ibig no?
Hindi mo na namamalayan na wala ka ng natirang pagmamahal sa sarili mo.
"Ano ka ba ateng wag kang umiyak! Masisira yung make up mo."nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang baklang make up artist namin.
"Sorry hehe kinakabahan lang ako."palusot ko.
Ilang minuto pa ang pag-aayos sakin ay pinagbihis na ako ng aking susuotin na gown.
Violet gown talaga ang napili ko para sa entrance ko mamaya.
Nang makalabas na ako ng kwarto ay bumungad sakin si mommy na umiiyak.
"Ang baby ko."iyak na saad ni mommy.
"Mommy mag d-debu lang ako, hindi ako aalis."saad ko at tinawanan sya.
"Hmp. Kahit na! Nasa legal age na ang baby ko!"saad nito habang nagpupunas ng luha.
"Malaki na ako mom hindi na ako baby. Sabi mo nga nasa legal age na ako."nakangusong saad ko.
"Ang prinsesa namin malaki na!"saad naman ni daddy.
"Hoy! Bunso kahit na nasa legal age kana, bawal pa yung boyfriend boyfriend ah!"singit naman ni kuya.
"Bakit?!"tanong ko.
"Basta!"saad lang nito.
"Happy birthday!"sigaw ni ate.
"Tss. Kanina ka pa jan ngayon mo lang naalala."inis kunwaring saad ko.
"Hindi po kasi ako makasingit sa inyo!"saad naman nya.
"Tama na yan! Tara na sa labas at mamaya- maya lang ay tatawagin na si Abi."saad naman ni daddy.
"Lalabas na rin po ako. Mauna na po kayo."saad ko.
"Bye baby see you later!"paalam ni mommy bago lumabas.
Kinakabahan ako.
Inhale... Exhale
Hoo!
Maya-maya pa ay lumabas na rin ako.