Chapter 18 - He agreed

125 2 0
                                    


Nakangiti ako habang nag dri-drive. Oo! Ginamit ko ang kotse ko, total dala ko naman ito nung pumasok ako. Sila kuya, ate, ay may sarili ding kotseng dala. Si mommy at daddy naman nasa iisang sasakyan may driver naman sila.

Traffic ngayon dito sa daan patungo sa korean restaurant, dun kami laging kumakain oag gusto namin kumain sa labas, pero syempre minsan sa normal restaurant lang pag ayaw namin sa traffic, tapos minsan pag kasama ang lola at lolo namin sa mamahaling restaurant kami kumakain.

Napalingon ako sa cellphone ko bg tumonog ito. Tiningnan ko ang caller at si Nika lang pala ang tumatawag. Agad ko itong sinagot.

"Hello?"sagot ko.

"H-hi,"sagot naman nya.

"What's up?"tanong ko.

"Are you free?"

"Sorry... we have a family dinner,"

"Oh.. it's okay,"

"What happened?"tanong ko.

"I just want to tell you a story!" Saad nya sabay tili, kaya nailayo ko ang aking cellphone sa tenga.

"Saya mo ah?"sabi ko sabay tawa.

"Of course! Sinong hindi sasaya eh! Pumayag na si Win na makipag kita!" Hindi naman halata na masaya sya! Oo!, kasi putek nayan mabibingi na ata ako sa kakatili nya!

"Talaga?!"tanong ko. Hindi ko maiwasang kiligin sa love story nila!

"Oo girl! Sabi nya, okay, let's talk tomorrow  after class. Gosh!!"Oo alam ko na naman na pwede kiligin pero puta baka naman pwede na tumili pero ilayo yung cellphone. Ako nabibingi eh.

"Okay!, Kumalma ka! Nabibingi na ako sayo!"Natatawang saad ko.

"Okay, hoo! Enhale, exhale... Kyahhh!"tangina. Salamat kumalma sya kahit isang segundo lang.

"I'm driving, nabibingi narin ako sayo. Balitaan mo nalang ako bukas kung kamusta. Ba-bye na!"paalam ko. Hindi ko na inantay na makasagot sya at pinatay ko na agad ang tawag.

'malaking sana all'

Sana ganyan din sakin si Dwight no? Yung kahit naman sandali lang kausapin nya ako ng maayos, ng hindi sinusungitan, ng simple lang.

Pero sino ba naman ako na kausapin nya ng ganon eh isa lang naman ako sa mga taong kinaiinisan nya. Kaya anong karapatan ko na hilingin sa kanya na kausapin ako ng ganon diba?

Nabalik ako sa ulirat ng biglang tumunog ulit ang aking cellphone. Kinuha ko ulit ito at tiningnan kung sino ang nag text.

You receive a message from Kuya kong epal

From: Kuya kong epal

Hoy! Ano na? Nandito na kaming lahat, nasan kana? Kinain ka na ba ng kalsada at hindi na ka nakarating sa pupuntahan?! Napakatagal mo!

Napaka sama talaga ng ugali ng kuya ko eh no?! San ba pinglihi yan at ganyan ang ugali.

To: Kuya kong epal

Maghintay ka! Ma-traffic kaya palibhasa mga nag sho-shorcut kayo!

Ewan ko ba sa tuwing may sari-sarili kaming mga sasakyan ako lagi ang nahuhuli.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa korean restaurant. Pinark ko lang ang sasakyan ko sa tabi ng kotse nila mommy. Nag-ayos muna ako bago ako lumabas ng kotse at pumasok sa resto.

Tired Chasing You (ON-GOING) Where stories live. Discover now