Kinabukasan ay laging ganon na ang routine ko tuwing umaga.Nandito ako ngayon sa kotse at papaalis na ng mansion. Sinimulan ko ng paandarin ang kotse. Medyo napaaga ako ngayon ng pasok dahil maaga ako nagising kanina, napag-isipan ko na maghanda na papasok.
40 minutes ang pogi naging byahe ko bago ako nakarating sa school. Nakita ko na kabababa lang din nung dalawa kong kaibigan sa kani-kanilang sasakyan. Bakit ko naisipan na hindi na ako magpapahatid, kasi napag-usapan namin ni Dj na hindi na kami magpapasundo o magpapahatid, kaya ayan.
Kahit nakakatamad mag drive! Bakit pa kasi ako nakakipag deal eh!
Pagkababa ko ay napansin ko na nakatingin silang dalawa sa akin.
"What?"inosenting tanong ko.
"Anong what? Eh hindi ka pumasok kahapon."mataray na saad ni Dj.
"Sorry po Ms. Chavez may pinuntahan lang po ako."pagpapaumanhin ko.
"San ka nagpunta?"tanong naman ni Dash.
Naglalakad na kami dito sa hallway at malapit na kami sa classroom. Nang makarating ay agad akong pumasok sa loob at agad na naupo.
"Sagutin mo ako Abigail Beatrice."paktay binuo nya na ang pangalan ko, isa lang yan sa dalawa, nag-aalala lang talaga yan.
Pag binuo nya na ang pangalan ko, ibig sabihin galit na yan, o nag-aalala.
"Fine.. pinuntahan ko lang yung importanteng papeles sa company namin."mataray na paliwanag ko.
"At bakit gabi na wala ka pa?"supladong tanong nilang dalawa.
"Kailangan sabay pa kayo?"pilosopong tanong ko.
Masama naman nila akong tiningnan."Abigail Beatrice!"paktay nagalit ko na naman ata.
"Okay, okay. Kalma lang mga officer."sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay na ani mong sumusuko na.
Masama naman nila ulit akong tiningnan.
"Ab-."bago pa man nila matuloy ang pag tatangkang buoin ang pangalan ko,ay nagsalita na ako.
"Bakit gabi na wala pa ako? Kasi may ginawa pa ako sa opisina."sabi ko.
Ayokong nagsisinugaling sa kanila. Ayoko rin sabihin sa kanila ang totoo dahil ayokong kaawaan nila ako.
Bago pa sila makapag salita ay dumating na ang professor namin.
"Good morning class,"bati ng professor namin."bago ako mag start ay may ibig lamang akong sabihin. May bago tayong president dito sa school."dagdag pa nya.
"Talaga po, sino po prof?"exited na tanong ni Stacy.
"Come in."ibis na sagutin ay may pinapasok si prof.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang pumasok.
"Good morning everyone. My name is Winter Dwight Chavez. The new president."malamig pa sa yelo na pakilala nito.
"Ang gwapo."bulungan ng mga kaklase ko.
May mga sinabi pa sya, bago umalis. Nagtuloy naman sa pagtuturo ang aming prof.
"Dismiss."sabi ng prof. Hudson.
"Let's go." Aya ko.
"Tara."sabi naman nila.
Naglakad na kami patungo sa canteen, syempre hindi maiiwasan ang bulungan ng mga maaarte tungkol dun sa bagong president. Pag kadating ay bumili na ako ng snack.
"Mauna na kayong kumain susunod nalang ako. May pupuntahan lang ako."sabi ko sa kanila at tumakbo na.
Tinungo ko ang daan papunta sa office ng president. Nasa harap na ako ng pinto ay bigla akong kinabahan. Kumatok na ako ng tatlong beses.