Chapter 16 - Something's wrong

145 1 0
                                    


Nandito ako ngayon sa Jollibee para bumili ng french fries kasi wala lang gusto ko lang. Papasok na dapat kasi ako sa school ng may madaan akong bata na umiiyak kaya bumaba ako sa kotse at nilapitan sya.

Flashback

Lumabas na ako sa mansion at nagtungo sa aking sasakyan. Nagsimula na akong magmaneho. Buti nalang at hindi ako late nagising ngayon dahil balak ko sanang makasabay si Nika sa breakfast, sinadya ko talagang hindi mag almusal sa bahay.

Medyo traffic pero okay lang dahil maaga pa naman. Sisimulan ko na sana paandarin ang aking sasakyan ng may makita akong batang babae na umiiyak. Itinabi ko ang aking sasakyan at nagtungo sa kanya. Wala syang ibang kasama.

"Hey what's your name?"tanong ko sa bata ng makalapit.

"Ate hindi ko po kayo maintindihan."saad naman ng bata kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ano ang pangalan mo?"tanong ko.

"Cheska po."sabi nya habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Bakit ka umiiyak?"tanong ko pa.

"Yung french fries po kasi na binili ni nanay nahulog po."saad nya.

"Tara bibili tayo ng bago."aya ko.

"P-po."

"Bibili tayo ng bago. Ayun lang naman yung Jollibee tara."aya ko pa.

"P-pero po sabi po ni nanay wag daw po ako basta basta sasama sa hindi ko kilala."sabi naman nya.

Ngumiti ako sa kanya."ako si ate Abi.. nasan ba si nanay mo?"tanong ko sa kanya.

"Ayun po oh."turo nya sa babae na tumatakbo papalapit samin.

"Cheska."tawag nito sa anak nya.

"Nanay.. sorry po nalalag ko po yung fries na binili mo sakin."nagsimula na naman umiyak si Cheska ng sabihin nya sa nanay nya ang totoo.

"Ahm.. hello po ako po pala si Abi."pakilala ko.

"Hello."bati nito.

"Nakita ko po kasi sya na umiiyak tapos tinanong ko po kung bakit, nahulog daw po yung fries na binili mo po para sa kanya."paliwanag ko.

"Salamat sayo."nakangiting saad ng nanay ni Cheska.

"Gusto ko po sana syang ibili ng bago kung okay lang po?"tanong ko.

"Naku eh nakakahiya naman."usal ng nanay ni Cheska.

"Okay lang po.."sabi ko naman.."tara na po."dagdag ko pa. Tumango na lamang sila.

End of flashback

Pagkatapos ko ibili si Cheska ay nag presinta na ako na ihatid sila sa kanila. Bumalik lang ako dito dahil gusto ko lang.

Nang makarating na sa school ay pinark ko na ang aking sasakyan at bumaba. Naglalakad ako sa hallway ng may mapansin ako sa may office ni Dwight. Total my fries naman ako na dala alukin ko nalang sya. Hindi ko na pinansin ang babae na kanina ay kausap ni Dwight, pumasok na si Dwight sa opisina nya kaya naman sumunod ako. Kumatok ako ng tatlong beses.

"Come in!"sigaw nya.

Pumasok naman ako. Nakita ko sya na ang sama ng tingin at nakakunot ang noo.

"Hey."bati ko dito.

Tired Chasing You (ON-GOING) Where stories live. Discover now