PROLOGUE

94 2 0
                                    


PROLOGUE

I know... People ought to change over time. Maraming dahilan kung bakit sila nagbabago. Most of them because they've been in pain. They we're hurt. Maraming mga eksena sa buhay nila na nagtutulak sa kanila para magbago either for better or for worse.

Naiintindihan ko naman kung bakit sila nagbabago. I'm a psychologist. Alam ko ang mga pagbabagong maaaring mangyari sa isang tao dahil sa iba't ibang bagay na nagtutulak sa kanila para magbago. I understand. At ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagbabago na nangyayari sa taong pinangarap kung maging sa akin.

"Makatitig ah." napakurap ako ng magsalita si Clara na nakaupo lang pala sa tabi ko. Sa tagal ng pananahimik nito ay inakala kong kanina pa ako mag-isa rito o baka nagsasalita lang talaga siya pero dahil tulala ako at wala sa sarili ay hindi ko siya napapansin.

I sigh and refrain my eyes from the sight of the man I never wanted to forget.

"Nag-uusap pa ba kayong dalawa?." rinig kong tanong nito na binalewala ko lang at pinaglaruan ang kapeng hawak ko.

We work of the same hospital. Mula ng maging maayos ang buhay ni Law at Rhiley at matapos makulong ang miyembro ng mga The Crypto ay dito na siya nagtatrabaho sa Blue Empire Medical na pagmamay-ari ng kapatid ng ama ni Rhiley at kung saan director ng hospital ang pinsan nitong lalaki.

"Hoy!." muling napukaw ang malalim na pag-iisip ko sa pag-alog niya sa akkn.

Naka-tambay lang kami rito sa lobby dahil pareho naming break time at nagkataon namang nandito rin si Fitch para sa kaniyang daily check-up. Mag-aanim na taon kaming magkasama sa trabaho. Isa siya sa mga bodyguard ni Law noong akala naming lahat ay may sayad ito sa utak. Nakakatawa ngang balikan ang mga tagpo namin sa mansyon noon kapag sinusumpong ng pagkabaliw si Law na sa huli nalaman naming isa lamang malaking pagpapanggap kasama sa trabaho nito bilang isang miyembro ng EFF-ACU Black Operatives at kung saan ay pinasok niya rin ang heavy underground criminal society , The Crypto na siya ring nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang ni Law upang makakuha ng impormasyon at malaman na ang pinagkakatiwalaan nitong si Cedric at Victor ay siya palang leader ng grupo. Mabuti na lang at sa huli ay nanaig parin ang kabutihan ay nakakulong ng mga ito.

Pero hindi maikakaila ang naidulot nila sa bawat buhay ng bawat isang naginh sangkot sa pangyayaring iyon. Gaya na lamang ni Fitch. Gaya ni Law , hindi lang pala siya isang ordinaryong bodyguard nito at kasabwat rin sa kaniyang pagpapanggap at isa rin palang agent ng EFF-ACU. Nang magkaroon sila ng engkwentro laban sa mga The Crypto maraming nagbago lalo na kay Fitch. Isa siya sa mga napuruhan sa engkwentro na nangyari kung saan inakala rin naming namatay na ang mga ito.

Si Riley na gaya ni Law ay nasa isang undercover operation rin ang nakakakita sa kaniya. Pumasok si Rhiley bilang isang Monique Lopez na katulong ni Law. Law later fall in love with her , kilala niya rin pala ito at alam ang totoong pakay niya sa pagpapanggap nito bilang katulong. Nagkaroon kasi ng problema sa Intel nila kung saan inakala ng ahensya ni Rhiley , ang CACI o Central Agency for Crime Investigation where they all thought that Law is a part of a criminal group.

Nang makita ni Riley si Fitch ay halos wala na itong buhay. Nabulag ang kaniyang isang mata pero mabuti na lang ay nakakuha rin ito ng isang donor. Muntikan na rin siyang malumpo dahil sa pagkadurog ng buto sa kaniyang tuhod pero mabuti at naagapan rin. Kinukwento palang nito sa akin ang hitsura ni Fitch nang makita niya ay halos mangilabot ako sa paghahalong emosyon na nararamdaman. Aaminin ko , I like him even though he doesn't know about it. Pero mula ng pangyayaring iyon ay sobrang laki ng kaniyang pinagbago. He become a stone cold.

"HOY!!."

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang halos sumigaw na si Clara na parang may sunog at kailangan na naming makalabas. Itinulak pa niya ako at halos maitapon ko ang hawak kong kape.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon