CHAPTER 9 : DADDY
"What if Viktor is the one that killed Manang? What if he is the killer?."
Fitch paused.
"Its impossible."
"I know."
Sobrang imposible dahil nasa kulungan parin ito hanggang ngayon but still the idea that he is the killer still bothers me.
"Paano kung nagbayad siya ng tao na tumrabaho sa gusto niya? He hired someone to kill us?."
"Sa paraan ng pakikipag-usap niya sayo. Parang siya mismo ang galit. Siya mismo ang naghahabol ng paghihiganti sa atin. It couldn't be Viktor. It could be someone else."
"Bakit? May iba pa ba kayong nakaaway?."
"We always has. More or less , I have hundreds."
"Hundreds?!."
Hindi ba pwedeng sampu lang?
"Uh-huh. But eighty percent of them are in jail and twenty percent is dead. Maliban na lang kung may nakatakas sa kulungan o bumangon sa hukay."
Why on earth he choose that dangerous job?
"Pero kung tutuusin , si Manang ang talagang target niya sa araw na iyon. Nandoon ka lang kaya nadamay ka. Ibig sabihin , kung hindi ito galit kay Manang baka kay Law. I could tell he has thousand."
"Isang libong kaaway?."
Tumango siya. Gusto kong magpapadyak sa inis. Ano bang pumasok sa mga isip nila at pumasok sila sa mundo na sobrang delikado. To consider , they're probably pass as an actor or a model. Sinasayang nila ang mukha nila sa pakikipag-away.
"Bakit ka nagsundalo?."
Nag-isip ito.
"Hindi ko rin alam."
Mahina ko siyang hinampas.
"Kidding. I want to serve the country. Dad is a soldier too. Gusto kong sumunod sa yapak niya."
Sinilip ko ito. Nakahiga parin siya sa kama at nakatitig sa kisame. Umupo ako sa gilid nito at muling nagtanong.
"Hindi ka ba natatakot?."
"No." mabilis niyang tugon.
"Hindi ka ba takot mamatay?."
"Great soldiers are born to die fighting in war."
Ang lalim.
"Habang buhay ka ng makikipaglaban , ganun?."
"Maybe." kibit balikat niya.
"Hindi mo ba naisip na mag-resign. Lumagay sa tahimik? Hindi ka ba natatakot para sa mga mahal mo sa buhay?."
He turn his gaze to me.
"Do you want me to quit?."
"Of course not!." tanggi ko agad. "Natatakot lang naman ako."
"Natatakot na baka madamay ka?."
"No. Alam ko namang hindi mo ako hahayaang madamay. But what about you , paano kung may masamang mangyari sayo? I can't save you even if I what. Anong alam ko sa mga ganiyan?."
Ngumiti siya at hinila ako. I landed on his hard chest. His arms encircle around my waist.
"Sure , you can."
"Paano?."
"You'll know."
Ang totoo gusto ko talagang mag-quit na siya. Pero wala naman ako sa lugar para sabihan siya na gawin iyon.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Elite Series 2)
General Fiction" I am the lie. I need to lie , for you to love me."