CHAPTER 21 : REST HOUSE

7 2 0
                                    

CHAPTER 21 : REST HOUSE

Ilang oras na kaming tahimik ni Riley. Nag-iisip. Iniintindi ang nangyayari.

"Sa tingin mo ba pinabura niya ang tattoo niya sa braso niya saka binalik ngayon?."

I groaned in frustration. Hindi ko alam.

"Hindi madaling mabura ang mga tattoo." dahilan ko na sinang-ayunan niya.

"Okay. Let's think about it easy this time."

Huminga ito ng malalim.

"Guardian mo si Fitch. Anak siya ng advisor ng daddy mo na parehong Ravens. You meet him when your five. Ngayong naaalala mo na ang totoo mong pagkatao. Naalala mo na rin siya. May tattoo siya sa braso niya ng makilala mo. Pero itinago ka ng organisasyon para mailigtas. Nawala ka ng higit sa dalawang dekada. Napasok naman sa Black Ops si Fitch. Dahil bawal sa kanila na magkaroon ng ibang tattoo maliban sa tattoo na pagkakalilanlan nila bilang Black Operatives. May posibilidad na pinabura niya iyon—

" At ibinalik ngayon?." putol ko sa kaniya

"Oo. Dahil bumalik ka na. Kung alam niyang may halaga sayo ang tattoo niya. Ibabalik niya iyon."

"Pero nakita ko na iyon nang hindi ko pa naalala ang lahat."

"Baka binalik niya bago pa ang lahat dahil alam niyang hindi rin magtatagal ay malalaman mo ang totoo."

"Hindi ko maalala ang lahat kung hindi ako sinubukang patayin ni Viktor. Sinasabi mo bang alam niya na mangyayari iyon kaya ibinalik niya ang tattoo niya?."

"Argggg! Alam mo. Nakakabaliw to!." iling niya

"Sabihin na lang natin na iyon ang ginawa niya. Pero bakit niya ipinabura ang tattoo niya na marka ng pagiging Black Ops niya." Saad ko

Saglit siyang natigilan.

"May karapatan lang ang mga ito na burahin ang tattoo kapag umalis sila sa organisasyon. At saka they were busy at that time , magagawa ba niya iyon—

"Baka sticker lang yan." sabat niya. "You know what. Ayoko na. Ikaw ng mag-isip. Nababaliw na ako."

Ginulo niya ang buhok bago ako iniwan na mag-isa. Maging ako ay nababaliw na rin. Ano ba talaga ang nasa likod ng mga tattoo na ito? Ano bang tinatago mo Fitch?

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. It was from an unregistered number pero base sa phone history ko ay ilang beses na itong napatawag sa akin. It's Colonel Zaccheus.

"Colonel."

"I've heard."

"Quill is dead."

Mabilis na kumunot ang noo ko ng makarinig ng tawa mula sa kaniya.

"Nakuha mo pang tumawa?." naiinis kong tanong.

"Why? Miss Prior. Pinagluluksaan mo ba ang lalaking pumatay sa mga magulang mo."

Para akong nabingi sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?."

"Quill is the traitor."

Tuluyan akong nawala sa sarili ko. Tanging tinig niya lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya.

"Sa tingin mo ba talaga ay hahayaan siya ng mga kaaway niyo ma mabuhay noon? Hindi. Hindi siya pinatay. Alam mo yan. Nakita mo. Imposibleng makatakas siya sa mga humahabol sa inyo sa pagkakataong iyon."

Bumalik sa isip ko ang tagpo noong araw na pinatay ang mga magulang ko. Naalala ko rin ang sinabi niyang sa dibdib siya natamaan kahit ang nakita ko ay sa binti ito natamaan.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon