CHAPTER 17 : TUNNEL
It felt so different to be back to some place where you don't want to be in. Hindi maiwasang manginig ng mga paa ko habang tinatahak ang tunnel.
"This tunnel was constructed when the five elite division of Black Ops were created. It serve as a secret channel for us. This tunnel will led to the houses of the secret division." saad ni Fitch.
It's been days since we doubted Justin. When Fitch tried to investigate him , he got nothing. Masyadong malinaw ang mga kwento nito. Ayaw rin ni Fitch na magtanong pa at baka makahalata itong pinaghihinalaan namin. We didn't even tell Riley and Law about it.
"That's explain the tunnel behind Law's mansion." saad ko.
Pinipilit kung makipag-usap sa kaniya nang mawala sa isip ko ang pupuntahan namin. The place where Manang was murdered. Where once I become a murderer and where everything started to become complicated. Where events we grieved happen but become the way for me to remember the real me and carried me back home. Back to the people I belong.
"It also lead to Casa dei Corvi."
Casa dei Corvi. Our home. My mind wander off thinking about our home and every memories I had with it. With mom. With dad. With everyone. With my family.
Abala ako sa pag-iisip nang may maramdaman akong gumapang sa paa ko. Kanina pa kami naglalakad sa loob ng tunnel. We're heading to Law's mansion. At aaminin ko hindi maganda ang hitsura ng tunnel na ito. It's already old. Maalikabok at madumi. May tubig rin na may medyo mabaho na.
Sinilip ko ang paa ko at napasigaw ng makita ang isang daga.
"AHHH!."
Agad akong tumakbo kay Fitch. Gosh! Gosh! It's so gross!
"What's wrong?." takang taka niyang tanong.
"May daga. May daga."
Halos magtatalon ako sa pandidiri. I really hate rats.
"Kinabahan naman ako sayo."
Umakap ako sa kaniyang braso. Nakakadiri talaga.
"Kung bakit kailangang dito pa tayo dumaan?."
Sinamaan ko siya ng tingin ng makitang tumatawa ito.
"Ano namang nakakatawa ha?."
Naiiling siyang nagkagat labi. Mahina ko siyang hinampas.
"You're so bad." nagtatampo kong saad at maglalakad na sana ulit ng higitin niya palapit sa kaniya.
"Ang cute mo lang kasi." saad niya at pinisil ang pisngi ko.
Inalis ko ang kamay niya at inismiran ito.
"Wag ka ng magtampo. Buhatin na lang kita."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?."
"Ang sabi ko bubuhatin na lang kita."
Hindi pa man napo-proseso ng utak ko ang kaniyang sinabi ay bigla niya akong binuhat.
"Fitch! Anong ginagawa mo? Ibaba mo na nga ako."
Mahigpit akong napahawak sa kaniyang leeg sa takot na mahulog ako.
"Bubuhatin na lang kita para hindi ka na gapangan ng daga." nakangiti niyang saad.
Hinampas ko ang dibdib nito.
"Ibaba mo na ako." kumunot ang kaniyang noo. "Ibaba mo na nga kasi ako." ulit ko na sinunod naman niya agad.
"Piggyback na lang." saad ko rito nang maibaba niya. Agad naman siyang umupo para maka-piggy back ako sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi ng tumayo na ito. "Love you."
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Elite Series 2)
General Fiction" I am the lie. I need to lie , for you to love me."