CHAPTER 20 : KILL
Nasa loob ng investigation room si Leon. Nakaposas habang kaharap si Deckard at Pierce. Nasa labas kami ni Riley at nanonood.
"What do you know about Viktor's plan?." Pierce asked.
He didn't answered. Nakanguso lamang ito sa dalawa.
"Answer me damn it!." hinampas ni Pierce ang mesa pero hindi parin ito natitinag at mas lalo lang lumaki ang ngisi.
"Wala kayo mapapala sakin."
"I'm giving you the chance to live and tell us the truth." nagbabantang saad ni Deckard.
Ang tono ng kaniyang pananalita ay nagpapahiwatig na sa oras na wala siyang sasabihin ay hindi maganda ang sasapitin niya.
"Ano mang gawin mo. Hindi ako kakanta."
"Papasok ako."
Mabilis akong pinigilan ni Riley.
"Not now. Let them handle it. Sa ngayon ay kailangan nating pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. Si Fitch
Ang Corvus. The organization is immobile at the moment. Nasa hospital parin si Quill dahil sa natamong sugat sa ambush na nangyari. They need you now.""Hindi ko alam kung mapapatakbo ko iyon ng mag-isa."
"Were here to help. Magsasagawa ng imbestigasyon ang CACI sa organisasyon para malaman ang totoo. Sa kung sino talaga ang traydor. Sa ngayon , hindi nila nakakausap ang EFF. They will do an independent investigation in this case."
Tinanguan ko na lang ito. Kung wala sila ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Muli akong bumaling sa loob. Hindi pari nagsasalita si Leon.
"You can't kill me." aniya. "Ako lang ang makakapagsabi sa inyo sa plano ni Viktor. Pero hinding hindi ko iyon sasabihin."
Nakatanggap siya ng isang malakas na suntok mula kay Deckard.
"Sa tingin mo ba hindi ko kaya? I'll torture you to death until you regret not saying anything."
Sunod sunod na suntok at sipa ang natanggap niya mula kay Deckard. Bumagsak na ito sa sahig. Si Pierce ay nanonood lang. Wala ring umawat.
"Wala na ba siyang kasama na nahuli?." baling ko kay Sophie na kanina pa tahimik sa tabi ko at nakikinood din sa nangyayari.
"May isa siyang kasama. Nasa holding area."
"Can I see him?."
Pumayag ito na makita ko ang kasama ni Leon. Ginaya naman niya ako sa holding center kung nasaan ito. Wala sa tatlong hinahanap namin ang naroon. Mukhang bata pa ito. Sinamahan ako ng guard sa loob.
Nagpaiwan ako ni Sophie roon. I want to talk to him alone.
"Kilala mo ba ako?." saglit niya lamang akong tiningnan bago umiling.
"What do you know about Viktor?."
Umiling ulit ito. As I look at him closely , he was far from being a heinous criminal. He look scared. Vulnerable. Fragile.
"What's your name?."
"D-Damio.."
And no criminal will tell his name when asked by an agent.
"Damio. How old are you?."
"28."
He's too easy.
"How long have you been working with Leon?."
"I don't work for him."
Umupo ako para magpantay kami.
"Who do you work for?." I asked
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Elite Series 2)
General Fiction" I am the lie. I need to lie , for you to love me."