CHAPTER 11 : TULIPS

6 1 0
                                    

CHAPTER 11 : TULIPS

Pumikit ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Kabisado ko na ang bango ni Fitch kaya malamang siya ang pumasok. Lumubog ang kama sa gilid ko.

"Are you asleep?."

Hindi ako umimik at nanatiling nagpapanggap na tulog. He caress my hair and kiss my forehead before leaving. Nang magmulat ako ay tumambad sa aking mga mata ang pink at yellow tulips na iniwan sa gilid ko. Inabot ko iyon at tinitigan.

Pink and yellow tulips denote sincere apologies.

Sumakit ang ulo ko hindi dahil may naalala na naman ako kung hindi dahil hindi ko na alam ang gagawin. I was torn between knowing who am I and loving Fitch. Pwede ko namang gawin pareho iyon pero hindi ko alam paano.

Dapat ba ay sabihin ko sa kaniya ang totoo? He will understand , right? Of course he will. Kung mahal niya ako maiintindihan niya ako. Matutulungan pa niya ako kung sakali. Fine. I'll tell him.

Bumangon ako at bumaba dala dala ang bulaklak na ibinigay niya. Natagpuan ko ito sa gilid ng pool. Lalapit na sana ako ng mapansing may kausap ito sa kaniyang cellphone.

"Hindi ko alam kung may alam siya o si Pierce ang may alam. I need you to check on his profile and get in touch with me first thing in the morning." rinig kong sabi nito sa kaniyang kausap.

Nabanggit niya si Pierce. Sinong kausap niya? Si Law ba? Sina Justin?

"Erica is fine." pagbanggit niya sa aking pangalan. "Madalang na namang sumasakit ang ulo niya. I'm trying to avoid that."

Kahit na anong gawin ko ay hindi ko naman marinig ang sinasabi ng kausap niya kung sino man ito.

"Wala pa akong sinasabi. Ayoko na munang sabihin sa kaniya sa ngayon."

Sabihin sa akin? Ang alin?

"Hinala ko ay may nalalaman na siya. Pierce is supplying her the information."

Ako ang tinutukoy niya hindi ba?

"I want to know who Pierce is. Every single detail of who he is—

"Fitch." hindi ko na maatim ang makinig sa kaniya at nagpakita na.

Hindi ito nagulat at blankong lumingon sa akin.

"Give me reports tomorrow." dagdag niya sa sinasabi at binaba ang tawag.

Inilapag niya ang cellphone sa mesa at inabot ang baso na may laman ng alak saka uminom. Umupo ito sa gilid ng mesa at pinaglalaruan ang basong hawak. His intent gaze , firm jaws and messy hair make him look hot and sexy in this cold night. Pansin ko ring hindi sila naka-military haircut ni Law. Ganoon ba talaga kapag nasa special division ka?

"Do you need anything?." pagsasalita nito dahilan para mapukaw ako mula sa pagmamasid sa kaniya.

"Pina-iimbestigahan mo ba si Pierce?."

Hindi sana dapat iyon ang tanong ko pero hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"I did." walang pag-aalinlangang sagot niya.

"Para saan?."

"Gusto ko lang malaman kung worth it ba siyang kapalit ko." He said sarcastically.

"Fitch."

He arched his eyebrows at me.

"Wala akong balak na ipalit si Pierce sayo at mas lalong wala akong balak na ipagpalit ka sa kahit sino."

He settled himself at the lounge chair , leaning against the back of it. His still playing with the glass of liquor in his hand and stare at me curiously.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon