CHAPTER 10 : DEAD

10 1 0
                                    

CHAPTER 10 : DEAD

Mas maaga akong nagising kay Fitch. Mahimbing na mahimbing pa ang kaniyang tulog. Pigil ngiti kong tinitigan ang kaniyang mukha.  Marahan ko itong hinaplos. Naramdaman naman niya iyon at hinigit ako payakap sa kaniya. Ibinaon nito ang mukha sa aking leeg. I kiss the crown of his head and played with his hair. This is something that won't bore me.

Nang mataas na ang araw ay bumangon na ako para magluto ng agahan. I felt so wifely.

"Morning ma'am." bati sa akin ng mga bodyguard na nadaanan ko.

"Morning." masigla kong bati pabalik. I felt a different energy today.

Simpleng breakfast lang ang hinanda ko. The usual breakfast on the table. Pagkatapos ko roon ay binalikan ko si Fitch sa kwarto. Nadatnan ko itong natutulog parin.

"Fitch? Gumising ka na diyan. Malapit ng mag-tanghali oh." sulyap ko sa relo ko. Hindi ito sumagot.

"Fitch." gising ko rito pero nanatili itong tulog mantika.

"Baby?." masuyo kong tawag rito at pilit binuksan ang kaniyang mga mata.

He groaned in protest.

"Wake up. Breakfast is ready." Bulong ko at hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong.

"I'm tired." paos niyang saad at yinakap ako.

Tired raw? Mas napagod pa siya sa akin eh no?

"Kaya nga kakain na tayo nang mawala yang pagod mo."

"Just a minute." hingi niya at muling ipinikit ang mga mata. Pinagbigyan ko ito pero umabot ang limang minuto sa halip na bumangon na ay mas humimbing pa ang kaniyang pagkakatulog.

Hinayaan ko na lang muna. Napagod kasi daw siya. I take a shower first before heading back to the kitchen. Nauna na rin akong kumain dahil kumakalam na ang sikmura ko. Hanggang sa matapos ako sa pagkain ay hindi parin bumababa si Fitch. Nanghuhugas na ako ng pinggan ng pumanhik ito sa kusina. Gulong gulo ang buhok at mukhang napilitan lang magmulat ng mga mata.

"Good morning." His husky voice greeted. He kiss my cheek and went on hugging me. He's getting clingy as well. Pansin ko lang.

"Malamig na ang pagkain mo. Ang tagal mong bumangon."

"Pinagod mo kasi ako." nakanguso niyang saad. Naghugas ako ng kamay bago binatukan. Natatawa itong umiilag sa akin.

"Ang aga aga Mr. Ang , inaasar mo 'ko."

Mas lumakas pa ang tawa nito. Umupo ito sa gilid ng mesa at pinagmasdan ako.

"Ano na naman?." taas kilay kong tanong at tinapos ang pinaghugasan ko.

"Nothing. Gusto lang kitang tingnan , masama?."

"Yup. Lalo na at kung ano anong tumatakbo sa isip mo."

Ngumisi ito. Damn. Hindi ko dapat sinabi iyon. Madumi pa naman siya mag-isip.

"Nakangisi ka diyan?." kunwaring hindi apektado kong tanong.

Umiling siya at pigil ngiting naupo sa upuan.

"Kakain na 'ko , baby." He give me a puppy eyes.

Kung hindi ko lang siya mahal , tatadyakan ko ang isang ito. Parang bumabata kung umasta.

"Eat. May pagkain na diyan."

"Hindi mo 'ko susubuan?."

"Ang laki mo na para magpasubo."

Sinimangutan niya ako pero sa paraang cute parin siya.

"Kumain ka nga. Mahiya ka sa inaasta mo. Nakikita ka kaya ng mga bodyguard dito sa bahay." bulong ko sa kaniya.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon