CHAPTER 23 : CLUE

6 1 0
                                    

CHAPTER 23 : CLUE

I feel so heavy. Parang may napakabigat na bagay na nakapasan sa akin. I don't feel like crying. Tulala lang ako.

"Tulala ka na naman diyan?." narinig ko ang boses ni Justin sa tabi ko pero wala akong lakas para lingunin siya.

"Hanggang kailan ka ba ganiyan? Ilang araw ka ng walang ibang ginawa kung hindi ang maupo rito at maghimutok."

Tama siya. Wala na akong nagawa. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

"AWOL lang naman si Fitch. Wala pa namang kumpirmasyon na talagang nakikipagsabwatan siya sa mga kaaway natin. Masyado kang nega." pangaral niya

Wala pang kumpirmasyon pero mas malaki na ang paniniwala ko na may itinatago talaga siya sa akin. Nararamdaman ko na iyon.

"And come to think of it. Kung kasabwat si Fitch , bakit wala namam siyang ginagawang masama sa atin. Kung may balak siyang patayin tayo bakit hindi pa niya ginagawa. He had a lot of the chance. Nagkita pa nga kayo kagabi. At kung may balak talaga siyang masama laban sa atin. Ginawa na niya. Paano kung may mahalaga lang pala siyang lakad. Alam mo naman sila , diba? They are secrets and they also had secrets. Malay mo , part na naman ng isang undercover operation ang lahat."

"But why did he texted me that?."

He shrug. Tumikhim siya.

"Pero. Anong gagawin mo kung sakaling totoo ang lahat?."

I'm not sure. But...

"Kung may ginagawa siyang hindi ko alam. Gusto kong ako na mismo ang aalam noon." baling ko sa kaniya.

"A-anong ibig mong sabihin? Iimbestigahan mo siya?."

Kung kailangang hukayin ko lahat ng tungkol sa kaniya. Gagawin ko. Malinaw lang ang nangyayari.

"Erica?." tipid ko lamang siyang tiningnan. "Baka ano na yang plano mo."

Nanahimik ako. If he was hiding something , I'll be the first to find it.

"Saan ka na naman pupunta?!." sigaw niyang ng tumayo ako at lumabas.

Umalis ako ng headquarters ng hindi nagpaalam sa sinuman. Dahil alam kung hindi nila ako papayagang umalis ng mag-isa. I am aware that they are monitoring me as well , thinking Fitch would contact me anytime soon. But it never happened. I lost communication with him after that night.

I don't where I will go pero dinala ako ng mga kamay at paa ko sa apartment nina Roy. Hindi ko talaga alam kung bakit bumabalik at bumabalik ang kuryusidad ko sa lugar na to. Hindi ako napapayapa hangga't hindi ako muling makakaapak sa loob. As if it was inviting me to come.

Natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng mismong apartment. Sarado na ang buong palapag. Kinakalawang at napapaligiran ng mga cobwebs. Sinira ko ang lock ng pinto para makapasok. At first , the very picture of them lying dead with blood on the bed was what I remember. The sound of my footsteps echoed in the whole room. Sinipat kung maigi ang bawat paligid. The crime scene is already cleaned. Wala ng bakas ng krimen pero hindi parin mawala wala ang kuryusidad ko.

Like I'm seeing something familiar I just can't yet recognize what and I can't stop the urge to look at it again. I didn't mind the dust as I laid down the floor and search every inch in the floor. Under every furnitures in the floor and in the wall. Tiningnan ko itong maigi at sinisigurong wala akong nakakaligtaang tingnan. Ilang oras ang lumipas bago ko natapos suriin ang bawat sulok roon pero wala parin akong nakikita o nahahanap. Ang kwarto na lang kung saan sila mismo pinatay ang hindi ko pa natitingnan.

Tinungo ko iyon. Nagtagal ang kamay ko sa doorknob at nagdadalawang isip na pumasok. Parang sariwa pa sa akin ang tagpo na nakita ko noong araw. Ang kanilang katawan. The way they are murdered.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon