EPILOGUE : PART TWO
"Mahal kita. Sobra."
"You don't sound sincere."
Inirapan ako ni Justin. Nasa airport kami ngayon. Ngayon ang uwi ni Phoebe at tinutulungan ko siya para magka-ayos sila.
"Bigyan mo naman ng kaunting emosyon." payo ko
Bumuga siya ng hangin at ibinaba ang placard na hawak kung saan nakasulat ang mga katagang 'will you marry me?'
"Hindi ko alam kung tama ang ginagagawa kong to. Baka mapahiya lang ako kapag tumanggi siya."
"Kung mahal mo siya , wala lang sayo kung mapapahiya ka."
Ginulo niya ang buhok.
"Sa halip na ginagawa natin to. Bakit hindi na lang sariling pag-ibig mo ang inaasikaso natin? May madali pa iyon."
Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang arrival area. Sakto namang namataan ko si Phoebe na papalabas roon.
"Oh! Nandiyan na siya!."
Nang balingan ko si Justin ay blanko lang ang mukha nito habang nakatitig kay Phoebe. Hindi pa kami nakikita ng huli.
"Hoy." siniko ko siya. Sinulyapan lang niya ako. "Wala ka ba talagang gagawin?."
"Mas mabuti siguro umalis na tayo—
"Phoebe!."
Napatingin si Phoebe sa amin. Kinaway ko ito. Noong una ay nakangiti ito nang makita ako pero nawala din iyon. Nilingon ko si Justin at pa-alis na ito.
Hinabol ko ito saka hinila pabalik. Palapit na naman sa amin si Phoebe. Ramdam ko ang ilang ng dalawa. Ni hindi nila magawang tingnan ang bawat isa. Si Justin naman ay itinago ang dala niya. Pinaghirapan ko pa namang gawin iyon.
"May sasabihin kasi si Justin—
"Wala akong sasabihin." putol ni Justin. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Pinilit lang niya akong magpunta rito dahil wala siyang magawa sa buhay niya." dagdag pa nito.
"Hoy! Kung makapagsalita ka ngayon parang ako iyong may kasalanan. E ikaw kaya tong nagda-drama dahil naghiwalay kayo."
"Ano ba yung sasabihin mo?."
Nag-aaway pa kami ng magsalita si Phoebe. Tahimik si Justin ng ilang segundo.
"I—
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita ang singsing na suot ni Phoebe. Kahit ako ay natigilan rin. I saw how he swallowed hard at that. Halos malukot niya ang placard sa likod sa higpit ng kaniyang yakap.
"Wala akong sasabihin."
Binalingan niya ako.
"Halika na."
"Teka lang!." hinarap ko ulit si Phoebe.
"Engage ka na sa iba?."
Napatingin naman ito sa suot na singsing.
"Ah. Hindi." Natigil si Justin sa akmang pag-alis.
Tinanggal naman ni Phoebe ang singsing niya at ibinulsa.
"Sinuot ko lang yan kasi..." napasulyap siya kay Justin. "A-ano. May dala ba kayong sasakyan? Sasabay na lang sana ako."
"Ikaw naman talaga ang sinusundo namin. Halika na. Mamaya na lang kayo mag-usap , dalawa."
Habang nada biyahe kami ay walang imikan ang dalawa. Sila ang nakaupo sa harap habang ako naman ang nasa likuran.
"Phoebe?." sinulyapan niya ako mula sa rearview mirror. "Narinig mo na ba ang balita?."
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Elite Series 2)
General Fiction" I am the lie. I need to lie , for you to love me."