CHAPTER 22 : AWOL

6 1 0
                                    

CHAPTER 22 : AWOL

"Sa tuwing umaalis si Law. Hindi ko maiwasang mag-alala. Pakiramdam ko mauulit ang nangyari noon and I'm scared that this time , they won't win."

I feel her worries. Ako rin naman. Nag-aalala rin ako para sa sarili ko. Kapag nasa labas ako , nakakaparanoid. Hindi mo alam kung aabot ka pa ba ng gabi.

"Everytime Rile asked if where is his dad. Napipilitan akong nagsinunggaling. Ayokong pati siya ay mag-aalala."

Sa tuwing nakikita ko sila. Their son. Napapaisip ako. Ayoko ring mabuhay sa ganito ang magiging anak ko. Kapag nagkapamilya ako , ayoko ng may masangkot pa sa amin sa kahit na anong military organization. Sa totoo lang , balak ko nang itigil ang Corvus pagkatapos ng lahat.

"Alam mo ba kanina. Halos mamatay ako sa kaba."

"Don't worry. I'll look after him."

Tipid siyang ngumiti.

"Wag mo siyang alalahanin. He's been at war since. Dapat inuuna mo ang sarili mo. It's too risky for you to join them. Mas mabuti siguro kung dito ka na sa HQ."

"I can't." iling ko. "Hindi ako titigil , Riley. Hanggang sa mahuli na si Viktor. Kung mangyayari iyon saka lang ako makakahanap ng kapayapaan. Kapag nabigyan ko na ng hustisya ang lahat ng nadamay. Doon lang ako uupo at mananahimik pero hindi ngayon. Even if it means death to me , I'll  fight."

I know she's worried of all of us. His husband , Law. Si Justin at ako. Kami na lang ang natitira. I know she can't afford to lose any of us.

Ilang araw na walang ganap sa CACI. Deckard and the intelligence team are busy plotting the best plan. Lalo na ngayon na may nahanap silang lead tungkol kay Viktor. May nakasipat sa kaniya sa Batangas. Bagaman hindi iyon malinaw na lead , we will try our luck. On the same time , Law will investigate Damio and he's boss. Everyone is on all force. Heavy ammunition , guns , grenades and security technologies are given to us. We've been into hard trainings to prepare us in the mission.

At hanggang ngayon ay hindi ko parin muling nakakausap si Fitch mula sa huling tawag niya sa akin. Gusto ko mang isipin ang ibig niyang sabihin but I can't let it distract me. Not in this time. I need to focus. We all need to or else. We will miss. We will loss. Everyone will die. Everyone close to us will suffer. We need to finish this war soon enough to avoid any further chaos.

"Saan ka pupunta?." habol sa akin ni Justin nang makita akong lumabas ng HQ.

"Home." sagot ko at tinungo ang kotse. "Gusto mo bang sumama?."

Nagdalawang isip ito saglit pero sumunod din sa akin sa kotse.

"Bahay niyo?."

I smiled. Yes , my home.

Bakas sa kaniyang mga mata ang paghanga ng makita ang mansyon. Pinaayos  at pinalinisan ito ni Fitch kaya bumalik na sa dati ang ganda at ayos nito.

"Sayo to?." hindi niya makapaniwalang tanong

Yinaya ko ito sa loob. Maging ang modernong teknolohiya ay mas lalong nagpamangha sa kaniya. We stayed their for a night. Malapit nang ikasa ng team ang misyon namin. I need to unwind first para iwasang stress ako pagdating sa panahon na iyon.

Malalim na ang gabi pero nanatili akong gising. Kanina pa tulog si Justin. Bumango ako at naglibot sa buong bahay. Kahit ilang beses ko itong naikot pakiramdam ko ay hindi ako magsasawang tingnan ang bawat sulok ng mansyon. I remember a lot of young memories.

Nagpunta ako sa basement. Dati ay dito rin ang HQ ng Corvus.  This is also the panic room in the mansion. Every surveillance camera are still under operation. Nang makapasok ako roon ay tumambad sa akin ang hindi mabilang na mga monitor at computer. Naka-off ang mga iyon. Automatikong bumukas ang ilaw at mas naaninag ko ang mga gamit roon na maayos na maayos parin. Walang sira.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon