CHAPTER 1 : I LOVE YOU
"Hindi ka pa uuwi?." naiinip na tanong ni Clara habang nasa labas kami ng hospital. Tapos na ang shift naming dalawa.
"Mauna ka na lang. May hinihintay pa ako."
Hindi ko sinabi sa kaniya ang pagkikita namin ni Fitch kanina at ang buong pangyayari dahil malamang tutuksuhin na naman niya ako. Inilihim ko rin sa kaniyang siya ang hinihintay ko. I'm not rely sure if Fitch is serious about picking me up but despite the doubt I end up here waiting for him.
"Bahala ka. Mauuna na ako. Pagod na rin kasi ako. Ang daming trabaho." reklamo niya na pinagsawalang bahala ko lang.
Dahil magkaiba ang field of work namin magkaiba rin ang pagod pagkatapos ng araw. Wala naman ako sa emergency kaya mas bawas ang pagod sa buong araw.
"Sure ka na talagang hindi ka na sasabay sa akin?." ulit nito ng magkapagpara ng taxi.
Kahit nag-aalangan sa sagot ay tumango rin ako at pinaalis na lamang ang taxi na sinasakyan nito palayo.
Maraming doktor , nurse at hospital staff ang dumaan at nagtanong sa akin kung hindi pa ba ako uuwi at kung may hinihintay ba ako at sino. Wala akong maisagot sa lahat ng mga tanong nila dahil kahit ako ay hindi sigurado kong bakit nanatili ako rito sa labas , nakatayo na parang tanga at naghihintay na sunduin ni Fitch kahit malabo naman ang sinabi niya kanina.
"Hindi ba alam ng boyfriend mo na bawal paghintayin ang mga girlfriend nila?." napalingon ako ng may tumabi sa akin at nagsalita.
Si Theo. The only son and heir of Blue Empire and the current director of BEM. Pinsan siya ni Rhiley. Senior ko siya noon sa college. I know a little bit about him but not enough to called as close. Mas napalapit lang ito sa amin mula ng maging isang pamilya si Rhiley at Law.
"Wala akong boyfriend." mapait kong saad at sa halip na patagalin pa ang pagiging tanga ko ay nagpara na lang ng taxi para umuwi kaysa sa maghintay at umasa na naman sa wala.
Matapos kung masabi sa driver ang paroroonan ko ay sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko.
I hate him!
Hindi pa man kami nakakalayo ay bigla namang napahinto ang sinasakyan ko. Muntik na akong mauntog sa kasunod na upuan dahil hindi na rin ako nag-suot ng seatbelt.
"Manong naman! Papatayin niyo ata ako e!." reklamo ko agad.
"Pasensya na ma'am. May bigla kasing humarang sa daan." aniya na nagpalingon sa akin sa harap.
Gaya ng sabi niya ay may nakaharang nga. Isang itim na kotse. Hindi nagtanggal ay bumukas ang driver's seat.
"Baka kidnappers yan ma'am." tinaasan ko agad ng kilay ang driver nitong taxi.
"At sinong kikidnapin niya Manong? Ako? Wala silang mapapala sa akin. Mahirap lang ako no!."
He stare at me with eyes like 'weeeh'.
"Totoong nga! Baka naman may utang ka diyan Manong ha? Madamay pa ako."
"Naku ma'am. Ako pa nga ang nagpapautang e." pagmamalaki niya.
Hambog nito!
Napaigting naman kami pareho ng may kumatok sa nakasaradong bintana sa gilid ko at dahil hindi naman tinted ang glass ay kitang kita ko ang tao sa labas. Upon seeing his face , I was all mum.
"Fitch?."
Tulala parin ako ng buksan niya ang pinto.
"Let's go."
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Elite Series 2)
Ficción General" I am the lie. I need to lie , for you to love me."