CHAPTER 3 : TAMPO
"Fitch!!."
Napatigil siya sa paglalakad nang tinawag ko ito. Mabuti na lang at walang katao-tao rito sa basement maliban sa mga kotse.
"Wait lang." huminga muna ako ng malalim dahil kinakapos ako ng hininga sa kakatakbo pahabol sa kaniya.
Sinulyapan niya lang ako. Nakapamulsa ito. Malamig na naman ang mga mata at hindi interesado ang pinukol na tingin sa akin. Nang makabawi ako sa pagod ay nilapitan ko na siya agad.
"I'm sorry—
"No need to be sorry. May lakad pa ako. I'll head out first." mabilis niyang saad at tinalikuran ako.
Hinabol ko ulit siya at hinigit paharap sa akin bago pa siya makasakay sa kaniyang kotse.
"Nagtatampo ka?."
"No. Tumawag ang chief namin. May importanteng trabaho na pinasa sa akin."
"Sorry kanina. I didn't mean to defy you. Na-pressure lang ako."
"Ayos lang. Kailangan ko na talagang umalis."
Hindi ko alam kung may tampo parin siya o ano pero mukhang seryoso siya sa sinasabi niyang mahalagang trabaho.
"S-sige.." Nang pakawalan ko ang kaniyang braso ay agad pumasok at siyang nag-drive palayo.
"You're not my boyfriend. Akala ko ba magpapakasal na kami. Dapat fiance diba?." napairap na lang ako mag-isa.
Tuloy nagmumukha akong baliw na kinakausap ang sarili ko rito.
I tried to call Fitch after I get back pero busy ang linya at kung hindi naman ay hindi niya ako sinasagot. Pakiramdam ko ay sinasadya niya iyon. Nagtatampo parin siya. Lintek naman kasi! Nataranta lang naman ako kanina.
"Hoy. Ayos ka lang?."
"No."
"Galit yung bf mo?." I glared at Clara.
"Its your fault."
"Hala! Bakit ako? Sino bang nag-deny sa kaniya? Ikaw e!."
"Bigla ka kasing sumulpot." dahilan ko. Naghahanap ng masisisi.
"You know what. May ideya ako." excited niyang saad.
"Ideya para saan naman?."
"Pambawi mo kay Fitch."
Bigla akong napaisip. She's right. Kailangan ko talagang bumawi kay Fitch.
"Ano?." She just wink at me.
Maagang natapos ang shift nito at wala na naman akong trabaho kaya pabor sa plano naming dalawa. Dumaan kami sa mall para bumili ng mga sangkap ng lulutuin namin. Ang sabi niya ay maghahanda raw kami sa mansyon at doon ko aaminin sa lahat na opisyal na kami ni Fitch at syempre surprise ko iyon sa kaniya. Si Clara na raw ang bahalang mag-imbenta kay Fitch sa mansyon at maghanap ng dahilan nang hindi niya malaman ang binabalak namin.
Nang makarating kami sa mansyon ay naroon na sina Riley pati na si Phoebe. Naging meeting at gathering place na namin ang mansyon ni Law. Hindi na sila doon nakatira at si Manang na lang ang naiwan kasama si Clara bagaman madalas na naroon rin si Roy.
It actually felt nostalgic to be back here after a long while. A place so full of memories I'm going to treasure my whole life.
"So kayo na ni Fitch?." salubong na tanong ng dalawa sa akin. Mukhang naunang sinabihan ang mga ito ni Clara.
As expected tinukso naman nila ako. Kung hindi sila pinaalalahanan ni Clara na kailangan naming kumilos at baka darating na si Fitch , hindi sila titigil.
BINABASA MO ANG
The Lies Between Us (Elite Series 2)
General Fiction" I am the lie. I need to lie , for you to love me."