CHAPTER 25 : TRUST

7 1 0
                                    

CHAPTER 25 : TRUST

Ilang oras ko ng sinusubukang muling tawagan si Kill at nagbabakasakaling sagutin niya ako. Alam kung alam niya kung nasaan si Fitch ngayon. Gusto kong malaman kung nasaan siya o kung ayos lang ba siya. Hindi ako mapapalagay sa kakaisip kung anong kalagayan niya ngayon. I'm getting paranoia and doubts scare me. I don't want to find Fitch dying. Ayokong baka mamaya at bigla ko na lang malalaman na may masamang nangyari sa kaniya. Mas lalong ayokong makita siyang duguan.

I don't want to see him that way again.

My phone went dead battery after a long series of trying. I close my eyes trying to hold my tears. Puno ng kaba at pag-aalala ang puso ko. Sa kabila ng mga paghihinala ko sa kaniya , sa huli ay bumabalik parin ako sa pag-aalala sa kalagayan niya.

Fitch. Nasaan ka na ba?

Pinanghahawakan ko ang mga pangako mo sa akin pero sa huli ay binigo mo ako. Binigyan kita ng pagkakataon na sabihin sa akin kung sakaling may tinatago ka sa akin. Kinalimutan ko ang pagtago mo sa akin sa totoong pagkatao ko. Kasi mahal kita. Mahal na mahal ko kita. Pero binigo mo ako. Bumitaw ka sa mga pangako mo. Iniwan mo ako.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko na tumulo. Nakakainis siya.

"You okay?."

Mabilis akong nagpahid ng luha ng pumasok si Justin. Umupo ito sa tabi ko.

"Kapag hindi ka binalikan ni Fitch. Tutal ay engage na kayo pero iniwan ka niya tapos engage na rin ako pero iniwan din. Tayo na lang ang magpakasal."

Natawa ako. Alam ko namang nagbibiro siya. Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti sa kaniya.

"Thank you."

Ngumiti siya at yinakap ako.

"Ayos lang yan." tinapik niya ang aking balikat. "Babalik din siya sayo. Mabuti ka nga , hindi hiniwalayan. Ako nga.."

Suminghot ito at nagdadadrama.

"Baka nagpakasal na si Phoebe roon." aniya

"Babalik din yun."

He laugh bitterly.

"Tawag nga ako ng tawag. Hindi naman sinasagot."

"She's just scared."

"Kaya ko naman siyang protektahan." dahilan niya.

"If you're to choose. Hahayaan mo ba siyang malayo sa gulo o hindi mo siya iiwas roon at poprotektahan na lang?."

Sandali siyang nag-isip.

"I can protect her but I'm not too confident that I'll be able to keep her safe for long. I felt like she will be more in danger with me.  I want him to be with someone where she will be safe. I don't want her to live in this kind of life. That's why I let her go despite me breaking." seryosong seryoso niyang saad.

"If I were to choose. Ilalayo ko siya sa gulo at kung ibig sabihin noon ay kailangan niyang lumayo sa akin. Ayos lang hangga't nasisiguro kung ligtas siya."

"Kapag ba natapos na ang gulo , aayain mo siyang bumalik sayo?."

Nagkibit balikat siya.

"Hindi ko pa naiisip iyon. Depende. Ayokong magsabi kasi baka mamaya , mapapatay pala ako." may kasamang tawa ang pagkakasabi niya roon.

"Don't you dare say that. Walang mamatay sa atin."

"It's better to think in advance. Ang hirap mag-expect tapos sa huli hindi naman pala. Hinandan ko na ang sarili ko sa maaaring mangyari. Naghanda na rin ako ng sulat kay Phoebe kung sakaling mawala ako."

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon